CHAPTER 11

1339 Words
Chapter 11 Pasimple ka pa Mag-iisang linggo at tatlong araw na buhat nung nangyari sa Eastwood. Simula nun madalas na ang palitan ng mensahe ni Jhana at Gabriel. Nagkaroon naman na ng mga katext na lalaki si Jhana noon pero iba ngayon. Hindi niya alam kung bakit kilig na kilig siya sa lalaking kahit kailan hindi naman niya hinangaan sa paglalaro. Ngayon bawat balita inaabangan na niya. Alam niyang maaring lumalim pa ang kanyang nararamdaman para sa binata kung patuloy silang mag-uusap nito. Pero wala siyang pakialam kahit gaano pa kabilis ang mga pangyayari. Ang alam lang niya masaya siya kapag kausap o katext ito. “Sha, pahiram naman ako ng laptop at broadband mo.” Sabi niya sa kaibigang nakaupo sa sala at nagbabasa ng mga aralin. “Kunin mo nalang sa may pang-apat na drawer Jha.” Sabi niyo na hindi manlang tumitingin saknya. Matapos makuha ni Jhana ang hinihiram sa kaibigan ay lumabas muna siya ng dorm na tinutuluyan upang magpaload. Nadaanan pa niya ang ibang mga kasama sa napakalaking bahay kung saan sila umuupa. Kanya-kanyang tambay ang ilan. Nagkukwentuhan at naglalaro ng baraha. Nang nasa pinaka malapit na tindahan na siya upang loadan ang numero ng broadband ni Sharon biglang tumunog ang kanyang cellphone may nagpadala ng Mensahe. Ganoon na lamang ang ngiti niya nang malamang si Gabriel ito. Nagtext ito gamit ang ibang numero hindi pa umano nakaroaming ang binata at inaantay daw siyang mag-online sa skype. Nasa China na kase ito simula pa kahapon. Para sa Tournament. “Manang paload po sixty pesos ito yung number.” Iniabot niya ang bayad at saka nagmadaling umuwi. Umakyat siya sa itaas na bahagi nang kama at doon binuksan ang laptop. “Alam mo Jha, ang dami-daming pera ang pinapadala nang Papa mo hindi mo ginagalaw bumili ka kaya ng laptop mo.” Nagulat pa si Jhana sa biglaang pagdungaw sa itaas ng kaibigan. “Ayaw kong galawin yun.” Ani Jhana. “Weeh? Ikaw talaga, ayaw galawin kaya pala nakita ko yung resibo nang ATM mo nung nakaraan lang nagwidraw ka. Bumili ka din ng gamit mo. Kita mo nga yung sosyalera mong kapatid ang daming pinopost na bago sa Tweeter niya at Instagram.” Sabi pa nito. “Ayaw mo na ba ko pahiramin ha?” Kunwari ay tanong niya rito nang nakanguso bago inayos ang broadband upang makapag register na nang unli surf. “Gaga hindi yun. Sinasabi ko lang no. Ewan ko sayo.” At iniwan na siya nito. Ilang sandali lang ay inilagay na niya sa tainga niya ang headset at nag log-in sakanyang skype account. Tama nga kanina pa naka Online ang binata. Agad siyang nagtipa sa keyboard upang padalan din ito nang mensahe. JhanaQuiambaoCojuangco Says: Hello Gab..^_^ SuperGabby Says: Yes Online na siya. =) JhanaQuiambaoCojuangco Says: Sorry natagalan. Musta diyan? “Ooh? Sino yang kachat mo?” Biglang singit ni Sharon. Nagulat talaga si Jhana sa pagsulpot muli nang kaibigan. Tinanggal niya muna ang headset bago nagsalita “Sha, busy ako.” Kunwa ay sabi niya rito. Ngumisi lang ito at umiling bago humiga sa sariling higaan. Hindi siya nakatanggap ng reply kay Gabriel bagkus ay nagvideo call ito. “Hello.” Kumaway pa siya nang sagutin ito. “Hi. How’s your day?” Ngumiti ito sakanya at duon niya lang napansin ang malalim nitong dimples. “Ito medyo busy sa School. Nakakapagod yung mga projects tapos pagod din sa work.” Sagot niya. Nakita niya sa camera nitong nasa loob na ito ng silid at nakasandal sa headrest ng kama. Nakakarinig rin siya ng ingay ng kalalakihan. Marahil ang mga kateam nito. “Aw. Your tired today? Sayang im not there para i massage ka.” Sabi pa nito na ikinangiti niya. “Uy. Sino yan?” Lumitaw sa camera ni Gab ang isang maputing lalaki kumaway pa ito saknya. “So it’s you young lady, Hello.” “Gregory, Umalis ka nga dito.” Sabi naman ni Gab. Hindi naman nakaimik si Jhana dahil panay panunukso na ang narinig niya mula sa kabilang linya. Nakita niya pa sa camera kung paano hampasin ng unan ni Gab ang kasamahan. “Im sorry for that.” Matapos mawala ang magugulong teamates ni Gab ay muli nitong iniharap sa sarili ang Aparato na gamit. “Okay lang, ang kukulit nga nila nakakatuwa.” Sabi naman niya. “Next day na yung laban namin, sana kahit diyan manlang sa TV suportahan mo ko.” Hopeful ang boses ng binata. “Naman. Para ka namang Others. Siyempre no.” Tumango pa siya sa kausap. “Hoy Jhana, ano yan ha? May kausap ka?” Pakli ni Sharon. “Sharon, busy ako kausap ko si Kuya matulog kana.” Kunwa ay sabi niya. “Ooh? Talaga? Sabihin mo sagutin niya na ang panliligaw ko ah.” Biro pa nang kaibigan. Umiling-iling nalang si Jhana, nakita niyang natatawa ang kausap sa camera. “Bakit hindi mo sinabing ako ang kausap mo?” Nagtatakang tanong nito. “Ano? Edi inasar ako nang bonggang-bongga niyan.” Mahinang sabi niya rito. “Ano namang iaasar niya sayo?” Tanong pa nito. “Ewan ko.” Simpleng sagot niya. Pero ang totoo katakot takot na panunukso talaga ang gagawin ni Sharon at ayaw niyang mapahiya ng sobra. “Hey Jhana, I have to sleep now. May practice pa kami mamaya. Im so tired gusto ko lang talaga makita ka. Kase almost two weeks na kitang hindi nakikita.” Nakita niyang malungkot ang mukha ni Gab kaya naman napalungkot na rin nito ang masayang mood niya kanina. “Ay ganoon? Sige goodnight.” At siya na mismo ang nag end ng video call. Ayaw kase niyang makita ng binata ang kanyang pagka dismaya. Akala niya kase ay matagal silang makakapag-usap. “Jha, bakit hindi ka pumasok ngayon?” Nagtatakang tinanong siya ng kaibigan ng maabutan siya nitong nanonood ng TV sa maliit na sala. Pasimpleng tinakpan niya ang mukha gamit ang unan na yakap kanina pa. Oo hindi siya pumasok ngayong araw dahil 2:30 nang hapon ang laban ng Pilipinas kontra Japan at gusto niyang manood. Kaya kanina pa siya nakaabang. Hindi niya lang maamin sa kaibigang mapang-asar. “Masama kase pakiramdam ko kanina.” Pagsisinungaling niya. “Okay. Ano namang yang pinapanood mo? Kala ko hindi ka fan ng Basketball?” Pilyang ngiti ang ibinigay nito sakanya bago tumabi at naki-inom sa baso niya na naglalaman ng juice. Dumakot rin ito ng piatos at isinubo bago muling nagsalita. “Alam mo Jhana, kaibigan mo ko. Best Buddy na nga tayo eh. Aminin mo na kase.” “Ano namang aaminin ko?” Maang-maangang sabi niya. “Asus. Inaabangan mo si Gab no? Alam kong kasali siya sa Philippine Team kagaya ni Nathan my love.” Hindi na niya naitago ang pamumula ng mukha. “Baliw. Hindi ah.” Tanggi parin niya. “Ganoon? Sige lipat na natin yan. Manonood ako nang inaabangan kong Korean novella sa channel 19.” Sabi nito at inabot ang control. “Hoy. Huwag mong lipat.” Tarantang inagaw niya ito. Napatawa naman ng malakas ang kaibigan niya. “Sinasabi ko na eh. Pasimple ka pa ah!” Tsaka ito muling kumain. Nakitawa nalang din si Jhana at nanood na sila ng kaibigan. Bawat pasa ng bola kay Gab ay inaabangan talaga ni Jhana kung anong moves ang gagawin nito. Kulang nalang ay magcheer siya sa loob ng bahay kapag nakaka shoot ito. Pilit niyang pinipigilan ang tili dahil sa takot na pamahiya kay Sharon na panay ang tingin sakanya. “Huwag mo nang pigilan, mautot ka pa diyan.” Maya-maya ay sabi pa nito. Hindi na lamang siya nagkumento sa halip ay ngiti lang ang isinagot niya. Nang manalo ang Pilipinas laban sa katunggaling bansa, nagkatinginan pa sila ng Kaibigan at sabay tumayo at nagtitili. “Waaaahh!! Sabi ko na eh.” Kinikilig na sigaw ni Sharon. Nakitili din si Jhana at ngayon napagtanto niyang intiresado na siya sa larong ito dahil kay Gabriel Buenafe ang lalaking palagay niya ay hinahangaan na niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD