Chapter 12
Missing Her
“I bet he really do miss Carmiel.” Sabi ng isang estudyante, na nakaupo sa lapag ng hallway kung saan dumaan si Jhana.
Kanina niya pa naririnig ang mga pinag uusapan ng mga kapwa niya estudyante. At napapakunot na talaga ang kanyang noo.
Ano naman ngayon kung nabasa ko yung post ni Gab na “Missing Her” So what kung si Carmiel yun? Wala naman akong paki. Magkaibigan lang kami. Pero bwisit lang, bakit namimiss niya pa yun?
Kagabi pa niya nabasa ang sss Post na yun ni Gabriel pero hindi nalang siya nagreact. Matapos kase nila mag skype nung nakaraang Linggo halos hindi na sila muling nag-usap, naging abala kase ang binata sa practice at sa laro. Ilang laro din ang ipinanalo ng Pilipinas. Nanonood rin siya ng replay tuwing gabi matapos ng kanyang shift sa Resto.
Bakit kaya hindi manlang nagparamdam na uli yun? Nakakainis.
“Grabe. sumagot na sa pamamagitan ng Tweeter si Carmiel Ayala. She said. I Miss you Too my Superman.” Tili ng isang estudyante na kumakain sa canteen ng paaralan.
Asar na asar na si Jhana sa mga naririnig na balita tungkol sa binata at sa buong Philippine Team. Pero wala siyang magawa trending ang grupo ng mga manlalarong ito ngayon dahil sa paglalaro nila sa world cup.
“Bwisit!” Malakas na sigaw ni Jhana ng makapasok siya ng kanilang bahay.
“Ooh? Anong problema? Nung isang araw pa yang busangot mo na yan ah.” Puna nang kaibigan niyang si Sharon.
“Wala.” At tinungo niya ang kusina upang uminom ng tubig na mula sa kanilang maliit na ref.
“Dude, Carmiel says she miss you too. What the heck? I thought it was the young lady named Nanah.” Sumampa si Gregory sa kamang hinihigaan ni Gab.
“Eh?” Nagtatakang tanong niya pa.
“Diba you post ‘Missing Her’ on your sss account and then ayun sumagot si Carmiel on her tweeter nang I Miss You too my Superman.” Napakunot ang noo ni Gab sa tinuran ng kaibigan.
“Hindi si Carmiel yun.” Agad niyang inabot ang ipod sa side table upang buksan agad ang kanyang account, Matapos ang pagkatalo nila sa laro kahapon at hindi pagpasok sa finals ay uuwi na sila pabalik ng pilipinas.
Kunot na kunot si Gabby habang pinapasadahan ng tingin ang tweeter post ng kanyang dating kasintahan.
Sino nag sabing siya yun?
“So it was really her? What about Nanah?” Pangungulit pa ni Gregory na nakasilip din sa screen nya.
“Go away.” Singhal niya sa kaibigan bago tumayo upang kunin naman ang kanyang cellphone.
“Greg, mind your own business man. Dorothy called me last night and dude she’s crying you assh***.” Narinig pa ni Gab ang sigaw ni Nathan bago siya lumabas ng kanilang kwarto bitbit ang cellphone at ipod.
Wala na silang laro ngayon, matapos ang halos magdadalawang buwan nilang pamamalagi sa China ay uuwi na sila. Sabi nga ng kanilang coach hindi na masama ang kanilang ipinakita. Hindi man nakapasok sa Finals atleast ngayong taon ay kasali ang Pilipinas sa world cup at mayroong tatlong panalo.
Umorder siya ng isang carrot juice at sandwitch sa restaurant sa baba ng hotel at pinapasadahan ng tingin ang naipost niya sa kanyang wall. Ilang araw niya ring hindi nabisita ang account dahil sa pagiging abala sa laro.
It’s not Carmiel.
Kumento niya sa isip habang pinapasadahan ng tingin ang mga comment ng kanyang mga fans at kakilala. Ang akala ng ilan ay nagkabalikan na ang dalawa.
“Paano ngayon yan?” Napapitlag sa gulat si Gabriel ng marinig niya ang boses ng kaibigang si Nathan sa kanyang likuran.
Kasunod nito ang ilan pang teamates na mukhang kakain din. Nakanguso pa si Gregory na umupo sa tabi niya. Ang tinutukoy na Dorothy ni Nathan ay ang pinsan nitong nakikipagdate sa pasaway na si Greg.
“I don’t know, basta hindi si Carmiel yun.” Sabi niya bago kumagat ng tinapay.
“So its Nanah?” Taas baba pa ang kilay ni Greg bago ininuman ang kanyang juice. Napangiwi pa ito ng matikman ang lasa.
“Yuck. Ano yan?” Reklamo pa nito.
“Wag mo nga siyang tawaging Nanah, hindi kayo close. And by the way carrot juice yan.” Sita niya sa kaibigang ngayon ay namimili na sa menu.
“Ano ngang gagawin mo? Malamang nabasa na yan ni Jhana.” Nilingon niya si Nathan na ngayon ay kumakagat na rin sa sandwich niya.
“Akin yan, ano ba.” Inagaw niya ang pagkain dito bago muling nagsalita “Tatawagan ko siya mamaya.”
“Okay.” Tumango pa si Nathan bago umorder ng sariling makakain.
Masayang nag aasaran ang kanyang mga kasamahan habang si Gab naman ay nag-aalala na.
Paano kung nabasa nga ni Jhana ang mga comment at post ni Carmiel, ano na lang ang iisipin nito?
Ang plano niyang pagtawag kay Jhana ay hindi natuloy dahil pinatawag sila ng kanilang Manager at coach sa isang close door meeting. Mapapaaga daw ang kanilang uwi na siyang ikinasiya ni Gabriel.
Masaya nilang inaayos ang mga gamit upang makapaghanda na pabalik ng Pilipinas.
“Damn! Buti na lang uuwi na tayo. I miss my Wife.” Mahinang usal ni Nathan na tinapik ang kanyang balikat.
Ngumisi lang siya rito. Ilang araw na niya kaseng naririnig ang pagdaing nito kung gaano kamiss ang naiwang asawa.
“Nate, don’t tell Dorothy na uuwi na tayo.” Pahabol ni Greg nang makalabas na sila ng Hotel.
“Ewan ko sayo. Dont make her cry again or else alam mo na.” May pagbabanta sa boses ni Nathan.
Habang si Gabriel naman ay masayang nag-iisip kung ano ang magandang ipasalubong kay Jhana.
Sa isip-isip niya wala namang masama kung bibilan niya rin ang dalaga. Wala man silang relasyon ay batid niya sa sariling may espesyal na posisyon na ito sakanyang puso.
“Daan tayo sa duty free paglapag ah.” Tinabihan siya ni Gregory. “Bibilan ko ng Chocolates si Dothy.”
“Akala ko diet siya at iwas na sa sweets.” Kumento naman niya.
“Duh? Ayaw ko siyang magdiet, gusto ko chubby lang siya.” Natawa nalang siya kay Greg. At naisip niyang siya rin maghahanap ng ipapasalubong, tamang-tama kasama niya si Greg na magaling sa pagpili ng kung anong bagay na maaring ibigay sa babae.
Kahit may jetlag ay masayang namimili si Gab ng kanyang mabibili, Una para sakanyang ina na mahilig sa pasalubong at para kay Jhana.
Bitbit ang ilang paper bags ay masayang sumakay ng Taxi ang binata upang puntahan ang dalagang halos magdadalawang buwan niya ring hindi nakita.
It was her that i miss.
Pagkatok niya sa pinto, bumungad sa kanya ang kaibigan nitong si Sharon na nakasimangot.
“Ooh? Aano ka rito?” Sabi nito na nakataas ang kilay. Nagtataka man siya sa inasal nito ay pinilit niyang ngumiti kahit naba pagod siya sa byahe.
“Si Jhana?” Masiglang tanong niya.
“Jhajha, may bwisita ka.” Sigaw nito, napasimangot tuloy siya.
What the? Bwisita?
Nang makapasok siya sa loob ng maliit na sala ng mga ito ay nakita niyang nanlaki ang mata ni Jhana and it was cute.
“Anong ginagawa mo dito?” Gulat na tanong nito.
“Eh? Im here because—ibibigay ko ang pasalubong ko?” Gabby? What the heck? Bakit bigla kang nahiya?
“Naku. Baka naman para kay Carmiel Ayala yan ah.” Singit nang kaibigan nitong ngayon ay may bitbit ng juice at maliit na slice ng chocolate cake.
“No. kay Jhana talaga lahat to.” Nakita niyang ngumisi si Sharon habang wala namang imik si Jhana at nagbabasa ng aralin nito.
“Sigurado? Eh sabi mo sa Post mo nung nakaraan miss mo na yung si Carmiel eh.” Pero nakangiti na ngayon si Sharon.
“It was not her, Si Jhana yun actually.” Namumulang napayuko nalang si Gab. Pakiramdam niya isa siyang teenager uli na nahihiya sa pagtatapat ng damdamin.
“Waahh! Sabi ko na eh. Jhajha.” Nagtitili si Sharon at doon niya lang napansing nakaawang ang bibig ni Jhana at pulang-pula narin ang mukha nito.
“Talaga?” Mahinang tanong ni Jhana saknya.
“Of course yes.” Nakangiting sagot niya rito.