CHAPTER 13

1286 Words
Chapter 13 Kilig Much “Nanah, im so tired.” Dinig ni Jhana ang buntong hininga ng kausap sa kabilang linya. “Akala ko ba pahinga muna kayo ng one month matapos yung laban sa China?” Nagtatakang tanong niya kay Gab. “Akala ko rin. Panay nanaman ang laro namin ngayon. Kanina nga nagrereklamo na si Nate.” Nakahiga na siya ngayon sa kama at nakikipag-usap kay Gabriel sa cellphone. “Pagod ka pala eh. Ipahinga mo na yan.” Sabi niya pa dito. “I want to hear your voice muna, before ako matulog.” Nagpipigil ng tili si Jhana, hindi niya alam kung bakit simula ng makauwi si Gab mula sa china ay naging madalas na ang patetext at pagtawag nito sakanya. “Che. binobola mo pa ko, kailangan ko ng magpahinga, maaga pa ko tom.” Sabi niya rito at nagkunwari nag hikab. “I thought wala kang pasok every Saturday?” Takang tanong nito. Oo kabisado na yata ni Gab ang schedule niya. Nagpumilit kase itong malaman kaya naman sinabi nalang ni Jhana. “Uuwi ako ng Tarlac eh. Sasamahan ko si Dad at Kuya sa kampanya nila. Para kahit paano makatulong ako.” Ayon kase saknyang kapatid nasa London ngayon ang mag-ina kaya naman pwede niyang makasama ang ama ng walang umaaway saknya. “Can i go with you?” Agad na tanong nito na kanyang ikinabigla. “Sigurado ka? Maiinip ka run. Tsaka alam mo naman kung saan-saan nagpupunta kapag nangangampanya.” Paliwanag niya rito. Pero ang totoo nag-aalangan siyang isama ito dahil sa ama at kapatid. “Baka makatulong ako, you know. Medyo popular din naman ako diba?” May panunukso na sa tinig nito. “Ang yabang mo, baka magpacute ka lang dun ah.” Akusa niya rito. “Malay mo makatulong pala ang pagpapacute ko sa eleksyong magaganap. Manalo pa ang Kuya mo.” Narinig pa niya ang malakas na pagtawa nito. “Ang kapal, pero sige agahan mo ah. Kase 5:00 AM aalis na ko dito.” Inantay niyang patayin nito ang tawag. “Goodnight Nanah, dream of me.” Bago nito tinapos ang tawag. Impit na tumili naman ang dalaga. “Hoy! Huwag mong ipitin yung kilig mo baka mautot ka nyan.” Nagulat siya sa pagsita ng kaibigan kaya naman ngumuso na lang siya. “Kilig Much ka nanaman ateng.” Dagdag pa nito. “Sigurado ka bang sasama ka sakin?” Nag-aalangang tanong ni Jhana ngayong umaga kay Gabriel na mukhang handa na. “Yup. Wala naman akong gagawin ngayon eh.” Sagot naman nito bago siya pinagbuksan ng kotse. “Dapat nag commute nalang tayo para hindi ka mapagod sa pagdadrive.” Suhestiyon niya pa ng makapasok na ng sasakyan. “Mas masarap kung solo natin ang sasakyan.” Sagot naman nito bago isinuot ang kanyang seatbelt. Namula ng husto si Jhana ng matitigan ang mukha ni Gab. Utang na loob. Huwag niyo pong pahintulutan na tumili ako ngayon dahil sa kilig. “Wait. Bakit naka shorts ka lang?” Biglang tanong ni Gabby saknya ng nakapasok sila ng NLEX. “Sabi ni Kuya sa Market Place daw muna tayo ngayong umaga. Yung mga tindera ang haharanahin nila. So maputik dun ayaw ko magpants mahirap labhan kung mapuputikan.” Katwiran niya “At ikaw bakit naka shorts ka rin?” Kunwari ay balik tanong niya rin. Nakasuot si Gab ng isang Maong shorts kagaya niya at isang itim na polo shirts. Suot rin nito ang sapatos na kanyang binili. “Wala lang.” Ngiting sagot nito saknya. Nang marating nila ang meeting place agad na nabungaran ni Jhana ang kanyang kapatid. Kumunot pa nga ang noo nito ng makitang bumaba siya ng sasakyan at lalo na ng Makita ang kanyang kasama. “Kuya.” Agad na tinakbo ni Jhana ang distansya nilang magkapatid. “Jha. Anong ginagawa niyan dito?” Inginuso pa nito ang kanyang kasama. Bago siya niyakap. “Tutulungan niya tayo.” Buong pagmamalaking sabi niya sa kapatid bago sinenyasang lumapit ang mukhang nahihiyang si Gabriel. “Bahala ka nga, si Dad nasa loob pa ng Office puntahan mo muna.” Tumango naman si Jhana at tinungo ang kinaroroonan ng Ama. Habang si Gabriel naman ay nakapamulsa lang ang dalawang kamay at tumitingin sa paligid. Wala ring imik si Janus at mukhang may hinahanap na kung sino. Nagkalat sa paligid ang mga bodyguards ng kanyang Kuya at Daddy. “Dad.” Niyakap niya agad ang nakatalikod na ama, nang makapasok siya sa Opisina nito. “Jhana, akala ko hindi ka pupunta matapos nung nangyari noon.” Hinarap siya ng ama at hinaplos ang buhok. “Nagtampo lang ako Dad, pero alam niyo naman pong hindi ko kayo matitiis ni Kuya.” Muli niyang niyakapng mahigpit ang Ama. Ngayon ay solo niya ito, walang kaagaw at walang mang-aaway kung sakaling maglambing siya at maghanap ng atensyon mula rito. Masayang nakikipagkamay ang mag-amang Cojuangco sa mga taong nadaraanan, namimigay din ang ilang kasama nila ng papel kung saan naroon ang larawan ng mag-ama. Habang si Jhana at Gab naman ay magkatabi at pasimpleng nag-uusap. “Okay lang sa Dad mo?” Nag-aalalang tanong ni Gab. “Ano pa bang magagawa niya? Nandito ka na daw? Pero ayun nga. Nakasimangot kanina diba?” Nakita niyang mukhang kinabahan naman si Gab. “Okay lang, basta sasamahan pa rin kita.” Sabi nalang nito at ipinagpatuloy ang pamimigay ng papel. Nagtitiliian ang mga kababaihang tindera na aabutan ni Gabriel ng papel. Kasabay ng pagsabi nitong iboto ang mag-amang Cojuangco ay ang halik naman ng mga babae sa kanyang pisngi. Kaya talagang napapasimangot si Jhana. “Aray.” Sa sobrang pagkairita ni Jhana sa isang dalagang tindera ng isda na yumakap at humalik kay Gab ay hindi niya nakita ang medyo maruming tubig na siyang naging dahilan nang kanyang pagkadulas. Nagtinginan naman ang mga tao sa kanya at akmang tutulong din ang bodyguard nang kanyang Kuya dahil ngayon ay nakasalampak siya sa basang kalsada at nahihiyang tumayo. Ano ba kaseng inaarte mo Jhana? Amoy isda kana ngayon. Magtatangka na sana siyang tumayo upang ayusin ang sarili ngunit agad na siyang nabuhat ni Gabriel. “Waaaaah!” Nagtilian ang mga nakakita. Sobrang nag-iinit na ang pisngi ni Jhana sa hiya ng makitang nakatingin din ang kanyang Kuya at Ama. Pero nagpatuloy parin sa pangangampanya. Siya naman at si Gab ay palabas na ng Market. “Saan mo ko dadalhin?” Mahina niyang tanong dito habang itinatago ang mukha sa dibdib nito. Narinig niya ang mahinang magpatawa nito, kaya naman nahampas niya ito sa dibdib. “Sa may van na dala natin kanina. Magpalit ka ng damit. ang dumi mo na.” Sabi nito sakanya. Binabagtas nila ang daan pabalik kung saan naroroon ang service. “Nakakahiya, gumawa pa ko ng eksena ngayon.” Pagmamaktol ni Jhana habang pinupunasan ng bimpong basa ang sarili. “It’s okay, kami lang naman nakakita.” Panunukso pa nito. “Anong kami? Baka you mean buong palengke dito sa tarlac.” Simangot niya pa. “Do you have extra shirt? Iniwan ko kase yung car. Meron sana ko doon.” Sabi nito saknya. “Oo. Nasa bag ko.” Sabi niya pa. “Palit kana labas lang ako.” Nagpaalam na ito sakanya at isinara ang pinto ng Van. Agad naman niyang hinanap sa bag ang kanyang pamalit. Kahit na heavy tinted ang sasakyan, kitang kita niya mula sa loob ng sasakyan ang nakatayong si Gabriel at mukhang guard din na binabantayan siya mula sa labas. Hays. Gabriel Buenafe, kung ganyan ka lagi kasweet sakin tiyak na hindi ko na mapipigilang hindi mahulog sayo. Kilig much na nga ako lagi eh. Nakakainis nahahawa na ko Kay Sharon sa kakakilig na yan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD