Chapter 15 Token “Saan tayo kakain ngayon?” Tanong ni Jhana kay Gabriel isang tanghali ng sunduin siya nito sa paaralan. “Sa bahay, Nagluto si Mommy para sayo.” Kinindatan pa siya nito bago itinuloy ang atensyon sa pagmamaneho. “Hah? Bakit hindi mo sinabi? Wala manlang akong bitbit na kahit ano para maibigay. Nakakahiya.” Ngumiti lang ito sakanya. Dalawang linggo na matapos ang TV Guesting ng Philippine Team pero panay parin ang pang-aasar ng kaibigan niyang si Sharon. “Hey Nanah, Leonard is interested to your friend.” Maya-maya ay sabi ni Gabriel na ikinakunot ng noo ni Jhana. “Naku. Sabi ko na eh nung lumabas kase tayo at nakita niya si Sharon panay na ang pagpapacute niya. Ayaw ko sakanya Gab para sa kaibigan ko. Kilalang Player yang si Leonard.” Kaklase ni Gabriel si Leonard sa

