Chapter 16 Player Ilang araw ng sinusuyo ni Gabriel sa tawag o text si Jhana, pero nagtatampo pa rin ang dalaga. Hindi na sila nagkita ng halos apat na araw dahil naging abala na sa pagpapraktis sa laro ang binata siya naman ay hindi makapag focus sa pag-aaral. Bwisit na bwisit siya ng malamang kaya ayaw ni Gabriel pumayag na maglaro ng ganoon dahil sa ala-ala ng ex-girlfriend nito na ngayon ay balitang may bago ng nobyo. Restday ngayon ni Jhana. Wala siyang trabaho kaya naman nagkulong lang siya maghapon sa loob ng kanilang maliit na kwarto. Hindi na nga rin muna siya kinakausap ni Sharon dahil sa pagmumukmok niya. Batid nitong ayaw niya ng may kausap kapag ganitong may iniisip siya. “Alis na ko.” Pagpaalam ng kanyang kaibigan na ngayon ay bihis na bihis. “Ingat Sha.” Sabi nalang n

