bc

AFTER ALL 2: Dust In The Wind

book_age16+
3
FOLLOW
1K
READ
HE
brave
boss
bxg
serious
campus
office/work place
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

AFTER ALL BOOK 2: Dust In The Wind _ A Homeless young boy’s that he once became a hero of his secret younger sister. Until time goes by... How if he become a hero again to another woman's name Maria Angelika Martin. Considering of the ex-military grandfather of this woman's asked him a help before it's passed away. But in one condition that he wished in exchanged. For the sake of his lost sister and to secure their protection. He will accept it and claim the all responsibility without any hesitation. What if a homeless one turns to rich, famous, powerful and become a Multi Billionaire Businessman. One of a kind, gorgeous CEO, he is Dustin Ruffert Torres. He will do anything to protect his loved ones. Perhaps you want him as a friend but not an enemy. He can be like the dust that will destroy you. DUST IN THE WIND After all the trouble and struggles in his life, can he still find true love? _ Come and let us follow his journey in the battles of life to change his destiny. How can he achieve happiness if enemies stand in his way? Let's see together how far his struggle will take him and how he will overcome every challenge in his life. ***** 07-14-23 Story Written By: LadyGem25

chap-preview
Free preview
DITW: THE TRUE COLOR’S 1
CHAPTER 1: THE TRUE COLORS 1 _ INTRODUCTION: "Okay class, dismissed! And be ready for examinations on Monday ha?” “Yes, ma’am!” Halos iisang sagot ng lahat at sunod sunod na rin silang lumabas ng classroom. Kasama ang magkaklase at magbestfriend na sila Celestina at Annabelle. Nasa huling baitang na sila sa high school, kaya naman nalalapit na rin ang kanilang pagtatapos. Naghahanda na sila para sa Periodical Exam, iyon na ang huling pagsusulit na gagawin nila sa high school. Pagkatapos nu’n paghahanda naman para sa kanilang Graduation. “Belle sandali, hintayin mo naman ako bakit ka ba kasi nagmamadali?” Habol ni Celestina sa kaibigan ng palabas na sila ng classroom. “Bakit naman kasi ang bagal mo?” Sagot naman nito. “Hindi ba natin hihintayin muna ang kuya mong lumabas?” Tanong ni Celestina na alanganing ngumiti imbes na sagutin ang tanong niya. “Ayun! Kaya naman pala... Huwag ka nang umasa hindi pumasok si Kuya ngayon. Anihan ng mangga kaya tiyak na nasa Farm ‘yun ngayon.” Sagot ni Annabelle. “Hindi na naman siya pumasok?” “Si Kuya pa, mas mahalaga kaya sa kanya ang Farm!” “Sabagay nga! Bes p’wede bang doon muna ako sa inyo wala pa kasi si Nanay eh? Ang Tiyo Kadyo lang ang kasama ko sa bahay, natatakot ako sa kanya Bes!” Sabay hawak nito sa kanyang braso. Kaya naman ramdam ni Annabelle ang pagkabalisa nito. Alam niya kung bakit natatakot ito sa amain, ito ang pangatlong asawa ng nanay ni Celestina. Alam rin ni Annabelle ang nangyayari sa kaibigan dahil hindi ito kailan man naglihim sa kanya. Sinasabi nito ang lahat sa kanya mula noon hanggang ngayon. Kahit pa ang bulgar na pagkagusto nito sa kanyang Kuya. Kahit pa nga hindi naman ito pinapansin ng kanyang kapatid. Hindi naman siya tutol dito para sa kanyang kapatid. Kung tutuusin gusto niya ito, gusto niya ang ugali nito kaya nga sila nagkakasundo. Hanga rin siya sa katatagan nito dahil sa kabila ng mga pinagdaanan nito nanatili pa rin itong positibo sa lahat ng bagay. Kung minsan nga ito pa ang nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob na parang hindi ito dumaan sa maraming pagsubok sa buhay. Namatay ang ama ni Celestina noong ito ay limang taon gulang pa lamang, kaya naman nag-asawa ulit ang Ina nito na si Aling Precila. Ngunit sa kasamaang palad hindi naging mabuti ang pangalawang asawa nito. Bukod sa sinasaktan nito si aling Precila, nagawa pa nitong molestiyahin si Celestina mula anim hanggang siyam na taon. Ayon sa kwento ng mga kaanak nito, tumakas lang ang mag-ina mula Maynila pauwi ng Iloilo. Dahil kahit paano may mga kaanak ito sa Iloilo na tumulong para makapagsimula itong muli at dito na manirahan. Kaya pala lagi itong nakatulala at ilag sa mga tao noong una itong makilala ni Annabelle. Ngunit dahil likas kay Annabelle ang pala kaibigan kaya naman unti-unti nakuha rin niya ang loob nito. Lalo na nang maging magkaklase sila mula first year hanggang fourth year. Kapit ahead ito sa kanya ng dalawang taon nagkasabay pa rin sila sa high school. Dahil marahil sa mga nangyari dito noon kaya napabayaan nito ang pag-aaral. Maayos na sana ang lahat dahil naging mabait naman ang amain nito at responsable nu’n una. Subalit nitong huli tila lumalabas na rin ang tunay nitong pag-uugali. Mas madalas na itong nasa bahay lang at lagi pang lasing. Masama raw kasi ang loob nito dahil hanggang ngayon hindi pa rin ito magkaanak kay Aling Precila. Ayaw namang umuwi ng bahay ni Celestina na tanging ang amain lang ang kasama. Naikwento sa kanya ni Celestina na nahuli ito ng dalaga na namboboso habang naliligo ito sa banyo. Hindi naman nito masabi sa Ina dahil baka hindi lang siya nito paniwalaan. Hindi na nagdalawang isip pa si Annabelle, nakangiting niyakap niya ang kaibigan upang kahit paano mabawasan ang pag-aalala nito. Noon pa man madalas na itong tumambay sa kanila, wala namang problema sa kanyang mga magulang. Dahil tulad niya gusto rin ng mga ito si Celestina maging ng kanyang Lola Caridad. Kung p’wede nga lang daw sanang ampunin na nila si Celestina. Dahil maliban sa pagkadisgusto dito ng kanyang Kuya Anselmo marahil magiging masaya silang kasama ito sa loob ng Hacienda. “Ikaw naman, s’yempre naman pwedeng p’wede ka doon sa amin. Kung gusto mo sa Villa ka na lang din matulog. Para makasama ka sa amin sa Farm bukas ng umaga tiyak na matutuwa si Lola kapag nalaman na kasama kita.” Saad ni Annabelle habang magkahawak sila ng kamay ni Celestina. “Talaga, pero okay lang kaya un sa Kuya mo na sa inyo ako makitulog ngayon?” “Ano ka ba, natatakot ka ba kay Kuya Anselmo?” “Hindi naman nahihiya lang ako sa kanya baka kasi isipin pa niya na kaya ko gustong doon matulog sa bahay n’yo ay dahil sa kanya.” Saad nito habang pinipilipit ang mga daliri. “Bakit iyon ba talaga ang dahilan?” “Hindi ah, hindi ka ba naniniwala sa’kin sa tingin mo ba nagdadahilan lang ako?” “Iyon naman pala e, bakit ka nag-aalala? Nakalimutan mo na ba bago mo pa nakilala si Kuya Anselmo magkaibigan na tayo at saka sa bahay hindi si Kuya ang magdedesisyon kung sino ang tatanggapin naming bisita kun’di si Lola o ang parents ko. Kaya ako na ang magsasabi sa’yo okay lang kahit sa amin ka na tumira.” “Salamat ha, dahil kahit ganito lang ako, ako pa rin ang pinili mong maging kaibigan!” “Hala! Nagdrama pa talaga ito, s’yempre naman ikaw lang din kasi ang nagtitiyaga sa ugali ko! Saka kapag nawala ka baka wala nang magpakopya sa’kin sa exam!” “Sira!” “Kaya nga tayo magbestfriend hindi ba?” Saad nito na sinabayan pa ng pagtawa... Bukod sa maganda matalino rin si Celestina siguro nga karangyaan lang ang kulang sa dalaga para masabing narito na ang lahat. Kung ikukumpara silang dalawa maaaring mahirapan kang pumili. Karangyaan naman ang lamang niya sa dalaga pero kung talino ang pag-uusapan aminado si Annabelle na lamang ito sa kanya. Kaya may palagay siya na ito na ang magiging Valedictorian ng kanilang Batch at siya naman ang Salutatorian. _ Magkahawak kamay na hinuli nila ang tingin ng isa’t-isa na nangingislap pa rin sa tuwa at sabay pa nilang isinigaw... BEST FRIEND FOREVER! Sabay rin nilang niyakap ang isa’t-isa habang masayang masaya. Tila ba naging hudyat rin ito upang mapawi ang pag-aalala sa puso ni Celestina. Malaki ang tiwala ni Celestina sa kaibigan ito ang pinaghuhugutan niya ng lakas. Kung bakit nanatili pa rin siyang malakas at lumalaban. Kung mawawala ito, ano nang gagawin niya? Nagulat pa siya nang kumalas na ito sa pagkakayakap sa kanya. Nadala yata siya ng husto... “Tara na best, baka naghihintay na si Mang Kanor.” Tango ang naging tugon niya. Magkahawak kamay rin silang lumabas ng gate ng eskwelahan. Paglabas nila naroon na nga si Nicanor ang matagal nang katiwala at driver ng pamilya Ga-an. “Mang Kanor, kanina pa ba kayo dito?” “Naku, hindi naman po Ma’am saglit pa lang...” Nagulat pang sagot nito. “Si Mang Kanor talaga may Ma’am na naman, Annabelle na lang po!” Masayang suhestiyon nito. “Oo nga naman po Tiyo Kanor nakakatanders kaya ang may Ma’am!” Saka ito tumawa, gayundin si Annabelle. “Kayo talagang mga bata kayo! O s’ya sige na, baka gabihin pa tayo sa daan. Isabay na tuloy natin pauwi itong kaibigan mo.” Mungkahi pa nito. “Kasabay po talaga natin siya Mang Kanor kasi po...” Saglit na tumingin muna ito kay Celestina, saka ngumiti. “Kasi sa Hacienda rin po siya uuwi ngayon!” “Ganu’n ba, mabuti kung ganu’n sa pagkakaalam ko nasa biyahe ngayon ang iyong Ina. Marahil ang Tiyo mo lang ang kasama mo?” Tukoy nito kay Celestina. “Opo Tiyo kaya nga po ayoko muna sanang umuwi sa amin. Pagdating na lang po ni Nanay...” “Mabuti na nga na sa Hacienda ka na lang muna mamalagi. Hindi maganda na ang Tiyo Kadyo mo lang ang kasama mo. Huwag mo sanang mamasamain anak pero wala akong tiwala sa kanya para kasing...” Bigla itong napahinto at nag-alangan. Saglit rin na nagkatinginan si Celestina at Annabelle. Dahil pareho nilang nauunawaan ang ibig ipahiwatig ni Mang Kanor. Lagi itong nag-aalala sa mag-ina, pinsang buo kasi nito si Aling Precila. “Ah’ kalimutan mo na lang ang sinabi ko, huwag mo na lang sanang banggitin sa iyong Ina. Minsan ko nang sinabihan ang iyong Ina tungkol dito. Ngunit alam mo naman ang iyong Ina mahal na mahal niya ang Tiyo mo!” Pakiusap na lang nito at hindi na itinuloy pa ang dapat sana’y sasabihin. “Huwag po kayong mag-alala Tiyo dahil naiintindihan naman po namin kayo. Saka okay lang naman po ‘yun! “Salamat anak, mabuti pa tumuloy na tayo sa Villa. Huwag kang mag-alala ako na ang bahalang magsabi sa Tiyo mo. Sasabihin ko na lang sa’yo kapag dumating na ang nanay mo.” “Salamat rin po Tiyo!” Pakiramdam niya nakahanap siya ulit ng kakampi sa katauhan nito. _ Habang binabaybay nila ang daan patungo sa Hacienda Caridad, hindi naiwasan ni Celestina ang mag-isip. Para kasing kakaiba ang pakiramdam niya, hindi naman ito ang unang beses na pupunta siya ng Hacienda Caridad. Kung tutuusin ilang beses na rin siyang nakarating dito. Kaya nga kabisado na niya ang mga tao rito maging ang mga kasambahay. Kasama na ang kanyang Tiyo Kanor at Tiya Salve... Maliban lang kay Anselmo kasundo naman niya ang lahat. “Bakit kaya ang init ng dugo niya sa akin? Hmm, kun’di lang siya g’wapo naku ang sarap niyang tirisin!” Mga salitang naglalaro lamang sa kanyang isip... “Hoy! Bakit ang tahimik mo, anong iniisip mo ha?!” “Ha, w-wala ah!” Gulat na sagot niya, daig pa niya ang nakainom ng suka kaya bigla siyang namutla. “Iniisip mo si Kuya no?!” Gagad nito. “H-hindi ah!” “Hmmm, amininnn! Kanina pa kaya kita kinakalabit diyan hindi ka naman kumikibo...” Pangungulit pa ni Annabelle sa kaibigan. Ngunit bigla rin siyang napahinto... “Mga anak, hindi pa ba kau baba narito na tayo...” Nagulat pa sila at napatingin sa isa’t-isa ng makita nila si Nicanor na pinagbuksan na sila ng pintuan ng kotse. Magkasunod silang bumaba ng hindi pa rin maawat sa pagbibiruan. “Ano ka ba Belle, huwag ka nga magulo diyan, ang ingay mo kaya!” “Hmmm, pero kinikilig na ‘yan na mimiss mo si Kuya no amininnn, Huh?!” “Ano ka hin...” Muntik na niyang malunok ang dila niya ng pagbaling niya Seryosong mukha ni Anselmo ang unang bumungad sa kanya. “Ano na naman ba, ang ginagawa ng ipis na ito dito Annabelle?!” “Kuya!” ***** 08-02-23 StoryWritten... By:LadyGem25

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook