CHAPTER 2:
HACIENDA CARIDAD
_
Kay ganda ng umaga ng araw na iyon lalo na sa magkaibigang Annabelle at Celestina. Halos sumisikat pa lang ang araw ng dumating sila sa Farm.
Plano kasi nilang sa Farm na rin mag-almusal kasama ng mga magulang ni Annabelle at ng Lola Caridad nito.
Maaga silang gumising at gumayak kanina at dahil walang dalang damit si Celestina kaya naman suot niya ang bestida na ibinigay sa kanya ni Annabelle.
Pareho silang nakabestida na pinatungan ng pranela na mahaba ang manggas. May suot rin silang malaking sombrero panangga sa init ng araw. Halos pareho ang kanilang gayak at ayos, palibhasa’y hindi rin nagkakalayo ang kanilang height at sukat ng katawan.
Kaya naman maipagkakamali mo na iisang tao lang sila. Ngunit hindi si Anselmo dahil kahit kailan hindi nito maipagkakamali si Annabelle sa kahit kanino.
Dahil para sa kanya nag-iisa lang si Annabelle at wala itong katulad.
Kasama nila si Anselmo ngunit nauna na ito sa pagpunta sa Farm.
Dumistansya kasi ito sa kanila at lihim na nagngingitngit.
“Sinasadya ba talaga ni Annabelle na inisin ako?” Bulong ni Anselmo sa sarili.
“Bakit iyon pa ang ipinasuot niya sa babaing iyon?” Ang bestidang suot ngayon ni Celestina ang tinutukoy nito.
Regalo niya ito kay Annabelle last December. Hindi pa niya nakitang isinuot ito ni Annabelle pero bakit ipinamigay na nito? “ B’wisit!”
_
"Mabuti naman at muli ka naming nakasama dito Hija. Huwag kang mahihiya ah, isipin mong miyembro ka na rin ng pamilya.”
“Salamat po Ma’am!” Nahihiyang tugon naman ni Celestina.
“Anong Ma’am, Lola!”
“Okay po Lola, sorry po!”
“Nakita mo na, gustong gusto ka talaga ni Lola.” Saad ni Annabelle na lumapit pa sa kanya at kumapit sa kanyang braso.
“Bakit sino ba ang may ayaw sa kanya dito?” Muling tanong ni Doña Caridad.
Sabay naman silang napatingin sa gawi ni Anselmo. Napakunot noo naman ang matanda bago muling nagsalita.
“Baka naman gusto lang ligawan ng Kuya mo itong si Celestina pero napapahiya dahil sa’yo hija? Ilakad mo na kasi ng magkagirlfriend na iyang Kuya mo.”
“Hay, naku Lola sabihin lang nila hindi lang lakad ang gagawin ko kung kailangan itatakbo ko pa sila!” Tugon ni Annabelle na ikitawa naman ni Doña Caridad.
Habang si Celestina na pulang pula ng mga sandaling iyon at si Anselmo ay tila nahihiyang napapakamot na lang sa batok.
Tuwang-tuwa si Annabelle sa mga nangyayari. Pasimple pa nitong itinutulak si Celestina sa gawi ni Anselmo.
Kaya naman sa huli nawalan na ito ng balanse...
Mabuti na lang mabilis na nasalo ito ni Anselmo at inalalayan at bahagya pa nitong pinisil ang kanyang kamay. Habang nakangiti at pasimple siyang binulungan ng binata...
“Mag-iingat ka!” Nakapagtataka imbes na kilig, kilabot ang naramdaman ni Celestina. Bakit parang may iba pa itong ibig ipakahulugan?
Muli namang umugong ang kilig at tuwa sa paligid sa nakitang eksena ng dalawa.
_
Matuling lumipas ang mga oras halos hindi nila namalayan na hapon na pala...
“Annabelle pinatatawag ka ni Lola samahan mo daw muna siya!” Saad ni Anselmo na bigla na lang sumulpot kung saan.
“Si Kuya talaga nakakagulat ka naman, halika na nga Cel tinatawag daw tayo ni Lola!” Sabay hawak ni Annabelle sa kamay ni Celestina para ayain na ito.
Subalit...
“Ikaw lang, hindi siya kasama!” Saad ni Anselmo habang nakatingin kay Celestina.
“Pero Kuya!”
“Iwanan mo na lang siya dito ako na ang bahala sa kanya sige na.” May bahagyang lambing sa tono nito at kumindat pa kay Annabelle saka nakangiting lumapit kay Celestina.
“Huwag kang mag-alala aalagaan ko ang kaibigan mo.” Muling saad nito habang pinaglalaruan ang hibla ng buhok ni Celestina.
Tila nakakaramdam naman ng kaba ang dalaga.
Hindi inaasahan ni Celestina ang ikinikilos ngayon ni Anselmo, kaya awtomatikong napalayo ang dalaga.
Nakakaramdam ng pagkailang si Celestina sa binata para kasing may mali at hindi niya maipaliwanag. Kung bakit ang dating nararamdaman niyang kilig ay tila ba napalitan ng pangamba?
Wala namang kamalay-malay si Annabelle sa nangyayari sa dalawa.
“Sige na nga, alagaan mong mabuti si Celestina Kuya ha’, lagot ka sa’kin... Cel babalik rin ako agad si Kuya muna ang bahala sa’yo!” Sabay kindat rin ng dalaga...
Gusto sanang habulin ito ni Celestina subalit kabilis nitong nakaalis... Kaya naiwan sila ni Anselmo.
“Oh’ saan ka pupunta? Hindi ba sabi ko dito ka lang...” Nakangising saad
ni Anselmo na lalo pang nagpatindi ng kanyang kaba.
“A-anselmo!”
“Oh’ bakit? Huwag mong sabihin na natatakot ka na sa akin ngayon hmm, ako lang ‘to relax?” Bulong nito habang nakatayo pa rin sa likuran ni Celestina.
Kaya naman pakiramdam ng dalaga tumayo ang lahat ng balahibo niya sa batok at hindi siya makagalaw.
Hindi komportable ang kanyang pakiramdam, lalo na nang unti-unti ipulupot nito ang braso sa kanyang leeg. Pakiramdam niya unti-unting humihigpit ang braso nito...
Gusto niyang umiyak at magtatakbo, ngunit hindi niya magawa...
"A-anselmo, p-pwede bang sumunod na lang ako kay Annabelle?" Nanginginig na ang boses niyang pakiusap, humihigpit na kasi ang braso nito sa kanyang leeg.
Ngunit kung pagmamasdan sila mula sa malayo, larawan sila ng magnobyo na naglalambingan at nasa seryosong pag-uusap.
Subalit ang totoo hindi pa rin niya maintindihan. Kung bakit ganito na lang ang pakitungo ni Anselmo sa kanya ngayon?
___
"Hanggang ngayon hindi mo pa rin ba naiintindihan o sadyang makapal lang talaga ang iyong mukha?" Nagulat siya sa ibinulong nito malapit sa kanyang tainga.
"Hindi ko maintindihan a-ano bang sinasabi mo Anselmo?" Naguguluhan niyang tanong habang pilit siyang kumakawala.
Ngunit lalo lang nitong hinigpitan ang hawak sa kanyang leeg...
"Tang* ka ba? Ang akala mo ba magugustuhan talaga kita ha' at sa tingin mo ba magkakagusto ako sa babaing tira-tirahan lang ng iba? Hindi mo mapapantayan si Annabelle kaya huwag kang mangarap. Dahil hindi ikaw ang klase ng babaing magugustuhan ko kaya umalis ka na!"
Muling salita nito at patulak siyang binitiwan kaya nawalan siya ng balanse at pasalampak na bumagsak sa sahig.
Bahagya niyang naitukod ang kanyang kamay kaya umabot pa rin sa sahig ang kanyang pang-upo, kaya napaigik siya sa sakit.
Nais magrebelde ng kanyang isip dahil sa ginawa nito at masasakit na sinabi sa kanya. Kaya mabilis siyang tumayo at marahas na naghamon ng tingin sa binata na ikinangisi nito.
"Hindi naman kita pinipilit na gustuhin ako ah... Kaibigan ko pa rin ang kapatid mo kaya pasensyahan na lang tayo kung madalas mo pa rin akong makikita. Pero hindi ibig sabihin nu'n may gusto pa rin ako sa'yo! Huwag kang mag-alala ngayong alam ko na ang tunay mong kulay, ayoko na rin sa'yo!" Puno ng sama ng loob na sigaw niya sa binata ngunit humalakhak lang ito.
"O' talaga, sa tingin mo hahayaan ko pa si Annabelle na makasama ka? Hindi! Dahil naiimpluwensiyahan mo lang siya ng kalandian mo!"
"Tanggap ko naman na hindi mo ako gusto kaya huwag ka nang gumawa pa ng salita laban sa’kin. May sariling pag-iisip ang kapatid mo siya lang ang makapagsasabi kung ayaw na niya akong maging kaibigan at hindi ikaw."
"Ah' ganu'n, alam ko naman 'yun e' kaya nga sinasamantala mo na ang kabaitan niya... Hindi ba?"
"Ikaw lang ang nag-iisip ng gan'yan Anselmo, totoo ang pakikitungo ko sa kapatid mo. Ikaw lang ang nag-iisip ng masama sa’kin at hindi ko alam kung bakit? Wala naman akong ginagawang masama sa'yo ah?!"
"Ahhh, basta ayokong maging kaibigan ka niya. Dahil sa'yo natututo rin siyang maglihim sa’kin! Dahil rin sa'yo napapaligiran siya ng mga lalaki." Halos hindi maipinta ang mukha nito at hindi niya ito maintindihan.
"Maganda at matalino si Annabelle kaya marami ang nagkakagusto sa kanya at hindi ko 'yun kontrolado."
"P'wes huwag mo siyang itulad sa'yo!" Halos magliyab ang mga mata nito sa galit. Hinawakan nito ang magkabila niyang mukha.
Hindi siya makagalaw at takot na takot na rin siya ng mga sandaling iyon...
"A-Anselmo, b-bitiwan mo ko!" Habang pilit niyang binabaklas ang mga kamay nito.
"Itong tandaan mo ha' at itanim mo diyan sa utak mo... Hindi p'wedeng mapunta sa iba si Annabelle dahil sa akin lang siya, naiintindihan mo?!"
Magkahalong gulat at pagkalito ang unang rumehistro sa mukha ni Celestina. Dahil hindi pa rin niya lubos na maunawaan ang sinabi nito.
Tama ba ang kanyang narinig piping bulong niya sa sarili.
"A-ano bang sinasabi mo Anselmo?!"
"Hindi ko obligasyong magpaliwanag pa sa'yo umalis ka na lang bago ko pa tuluyang pilipitin iyang leeg mo!" Banta pa nito matapos siyang bitiwan.
Ngunit nais niyang malinawan ang lahat...
"Tama ba ako ng pag-intindi, m-may gusto ka ba kay Annabelle?!" Paniniguro niya.
"Ano bang pakialam mo? Umalis ka na dito at magmula ngayon layuan mo na si Annabelle, layuan mo na ang pamilya ko!" Saad nito sa tonong hindi nakikiusap kun'di nag-uutos.
"H-hindi ko maintindihan, p-pero magkapatid kayo!" Naguguluhan pa rin niyang saad.
"Hindi ko siya kapatid at hindi kami magkadugo, ano naiintindihan mo na ba?! Umuwi ka na, tamang tama dahil narito na rin pala ang sundo mo!"
Humangga ang tingin nito sa kanyang bandang likuran. Kaya napalingon rin siya sa direksyong tinitingnan nito...
Biglang nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang tinutukoy ni Anselmo.
Hindi! Bakit kung sino pa ang gusto niyang iwasan?
"P'wede bang iuwi mo na itong anak anakan mo! Dahil nakakaistorbo na siya dito." Saad ni Anselmo sa taong hindi niya inaasahan na sadyang tatawagin pa nito para sunduin siya.
Bakit ang Tiyo Kadyo pa niya ang tinawag nito para sumundo sa kanya. Gusto ba nitong makasiguro na aalis talaga siya ng Hacienda?
"Halika na Celestina umuwi na tayo!" Lalo tuloy nag-umapaw ang kanyang kaba ng marinig na nagsalita na ang kanyang Tiyo.
"S-sandali lang po m-magpapaalam lang muna ako sa kanila Tiyo." Saad niya kasabay ng hiling na sana kahit paano makasilip ng konting pag-asa.
Subalit...
"Hindi na kailangan ako na ang magsasabi na umuwi ka na, kaya sige na umalis na kayo!" Tila pagtataboy pa ni Anselmo sa kanila.
"Anselmo tiyak hahanapin ako ni Annabelle kapag umalis ako nang hindi nagpapaalam." Pilit pa rin niyang pinauunawa sa binata. Ngunit pursigido talaga itong itaboy siya.
"P'wede ba Celestina? Huwag ka nang magdahilan. Saan ka ba kumukuha ng kapal ng mukha para ipagsiksikan pa ang sarili mo dito, pinapaalis na nga kita, hindi ba?!"
"Anselmo please, magpapaalam lang ako kahit sandali lang..." Pakiusap na ni Celestina.
"Celestina, ano ka ba halika na?! Pinagtatabuyan ka na nga, gusto mo pa ring ipagpilitan ang sarili mo!" Hinila na siya nito palayo sa lugar na iyon.
"Bitiwan n'yo ako Tiyo ayoko ngang sumama sa inyo pabayaan n'yo na ako, Anselmo!" Pilit kumakawala si Celestina, ngunit hindi pa rin siya binitiwan ng kanyang tiyuhin.
Kahit pa, sinubukan niyang magpasaklolo kay Anselmo ngunit tinalikuran lang sila nito.
Ganu'n ba siya kawalang halaga para sa binata? Kahit inaasahan na niya ito nakaramdam pa rin siya ng kirot sa dibdib.
Alam na niya ngayon na hindi siya ang gusto nito. Unti-unti na ring pinoproseso ng utak niya ang lihim na pagtingin nito kay Annabelle. Kaya pala ganu'n na lang ang pagiging over protective nito kay Annabelle mula pa noon.
Muling bumalik sa kanya ang kasalukuyang sitwasyon...
Ngunit hindi na talaga siya binitiwan pa ng kanyang tiyuhin.
Mahigpit na hawak pa rin siya nito hanggang sa makarating sila sa kanilang bahay sakay ng dala nitong tricycle.
"Bitiwan n'yo na ako Tiyo narito na tayo!" Agad na hinila niya ang braso at binitiwan naman siya nito.
"Ang tigas kasi ng ulo mo eh, hindi ka nababagay du'n dahil mahirap ka lang! Bakit sa tingin mo ba totoong magmamalasakit sila sa'yo? Isa kang hangal kung ganu'n!"
"Iba si Annabelle at ang pamilya niya kay Anselmo Tiyo!" Pagtatanggol niya sa kaibigan.
"Akala mo lang 'yun, isang araw malalaman mo rin ang tunay nilang kulay. Pare pareho lang silang mga mayayaman, isa lang ang tingin nila sa'yo utusan, alila iyan ang itanim mo sa utak mo! Huwag ka nang sumama pa sa kanila. Dahil hindi mo naman sila kakulay naiintindihan mo?"
"Hindi ganu'n si Annabelle Tiyo, patutunayan kong iba siya sa lahat!" Giit pa rin niya.
"Ah, bahala ka! Mabuti pa magluto ka na at gutom na'ko!" Utos pa nito.
-
"Bakit kaya hindi pa rin dumarating si Nanay hanggang ngayon?" Nang maalalang itanong ni Celestina.
"Huwag mo nang hintayin ang mal**di mong ina, hindi na darating 'yun. Dahil sumama na iyon sa ibang lalaki!"
"Hindi totoo 'yan, Tiyo! Huwag mong pagsalitaan ng ganyan ang nanay." Galit na sigaw niya sa amain.
Alam niyang hindi ito magagawa ng kanyang ina. Kahit pa tatlo na ang naging asawa nito. Nagkataon lang na hindi ito naging mapalad sa mga pinili nitong mahalin.
"Huwag mo nang ipagtanggol pa ang iyong Ina, ang akala mo ba hindi totoo ang sinabi ko? Kagabi lang kausap ko siya para lang sabihin sa'kin na hindi na siya babalik..."
"Hindi, hindi totoo 'yan!" Umiiling niyang pagtutol at hindi naniniwala sa sinasabi ng tiyuhin.
Napaurong siya at nais sanang tumakbo, subalit maagap siyang pinigilan ni Kadyo.
"Saan ka pupunta? Tayong dalawa na lang ang narito hindi ka p'wedeng umalis, wala na akong pakialam kahit hindi na bumalik ang iyong Ina. Pero ikaw hindi mo ako p'wedeng iwan."
"Tiyo Kadyo bitiwan mo ako hindi ako naniniwala na iiwan ako ng Nanay. Sinungaling kayo hindi totoo ang sinasabi mo!" Masama ang loob niyang sigaw at pilit niyang hinihila ang braso niyang hawak na naman nito.
Ngunit imbes na bitiwan siya nito lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak nito sa kanyang braso. Sabay hila sa kanya palapit...
"Kung ayaw mong maniwala, huwag kang maniwala! Kasama na ulit ng Nanay mo ngayon ang dem***yong nagsamantala sa'yo! Ngayon gusto mo pa rin bang sumama sa kanila? Hindi na mahalaga sa'kin kung umuwi man ang Nanay mo o hindi, pero ikaw dito ka lang..."
"H-hindi totoo 'yan!" Tila gumuho na ang lahat kay Celestina ng dahil sa kanyang narinig. Kahit ang pag-asang hindi ito magagawa ng kanyang Ina ay tila lumalabo na rin sa kanyang isip.
"Huwag kang mag-alala aalagaan naman kita." Nagulat pa siya ng haplusin siya ng tiyuhin bigla tuloy siyang kinilabutan, napatayo siya at naitulak ito.
Alam niyang punong-puno ito ng malisya. Subalit hindi naman ito natinag at sa tingin pa niya bigla ring nagbago ang ekspresyon ng mukha nito.
"Huwag kang magmalinis Celestina dahil alam kong tira-tirahan ka na lang, mabuti nga pagtitiyagaan pa kita! Magpasalamat ka na lang at lumaki kang maganda at kaakit-akit." Napailing siya at tinakpan ng dalawang kamay ang magkabila niyang tenga.
Hindi pa rin siya makapaniwala na maririnig ito sa bibig ng kanyang tiyuhin. Kahit pa bistado na niya ang tunay na kulay nito.
Bakit pare-pareho silang lahat ganito rin ang sinabi sa kanya ni Anselmo kanina. Ang nag-iisang lalaki na sana'y gusto niyang mahalin. Ang taong inakala niyang magpapatunay sa kanya na mayroon ngang pag-ibig sa mundong ito. Ngunit iisa lang ba talaga ang kanilang kulay?
Nagpatuloy lang sa pagsasalita ang kanyang tiyuhin, tila wala itong pakialam sa kanyang nararamdaman.
"Tutal naman wala nang silbi sa'kin ang Nanay mo. Hindi nga niya ako mabigyan ng Anak, pero ikaw sigurado naman ako na mabibigyan mo ako ng anak kahit ilan pa ang gustuhin ko. Kaya hindi ako papayag na pati ikaw bawiin ng hay*p na iyon!" Pagpapatuloy nito.
"Tama na, tama na! Pare-pareho lang kayong mga hay*p ang sasama n'yo! Hindi porke wala dito ang nanay ay magagawa mo na sa akin ang gusto mo! Ang akala ko iba ka kay Tito Mauro, tulad ka rin pala niya mga hay*p kayo!" Hindi na niya napigilan ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata kasabay ng kaba.
Napaupo at napasiksik na lang siya sa isang sulok at doon umiyak ng umiyak
Ngunit kailangan niyang maging malakas dahil sa pagkakataong iyon wala na siyang maaasahan pa kun'di ang kanyang sarili.
Hinanda na niya ang sarili upang tumakas at nang makasilip siya ng pagkakataon. Agad siyang tumayo at dahan-dahan lumabas.
Subalit...
Palabas na siya ng bakuran ng abutan siya ng kanyang Tiyo Kadyo.
"Saan ka pupunta tatakasan mo pa ako ha!" Agad siyang hinila nito papasok ng bahay.
Kung bakit nagkataon pa na walang dumaan ngayon sa labas ng kanilang bakuran.
Medyo malayo-layo rin kasi sila sa mga kapitbahay at dahil pinatira lang naman sila sa isang bakanteng lote kaya't maliit na espasyo lang ang kitatayuan ng kanilang bahay.
"Bitiwan mo ako Tiyo pabayaan n'yo na akong umalis, ayoko na dito." Pilit na pakiusap niya.
"Hindi mo ako p'wedeng iwan, dahil sa akin ka lang... Naiintindihan mo?!"
"Baliw ka na Tiyo, hindi ka na nahiya sa sarili mo para mo na akong anak!"
"Dalagang dalaga ka na, hindi ka na bata at lumaki kang napaka ganda! Tama ka baliw na nga ako, dahil nababaliw na ako sa'yo." Tila nga nababaliw na ito sa pagnanasa.
"Ang sama sama mo tumigil ka na..."
"Bakit nga ba ako naghihintay pa, tayo lang naman ang narito. Ang tagal ko ring hinintay na masolo ka. Kaya sige na pagbigyan mo na ako ngayon hindi naman kita sasaktan. Aalagaan kita at mamahalin ng higit pa sa Nanay mo."
"Hindi, lumayo ka ayoko sa'yo lumayo ka sa’kin..." Pilit siyang lumalayo kahit sinusundan naman siya nito.
"Huwag nang matigas ang ulo mo Celestina at sinong gusto mo ha' ang Anselmo na 'yun na hindi ka naman pinapansin? Huwag kang mangarap ng imposible, dahil hindi ikaw ang tipo ng babaing magugustuhan niya. Alam na alam niya na pinagsawaan ka na nang iba. Kaya para ka lang talaga sa'kin." Ang bawat salita nito ay parang karayom na tumutusok sa kanyang dibdib, para na ring sinabi nito na wala siyang karapatang magmahal at mahalin ng matinong tao.
"Tama na Tiyo, tama na!"
Nagpatuloy pa rin ito sa paglapit at nang tuluyan na itong makalapit sa kanya, kinabig siya nito at niyakap!
"Huh' lumayo ka sa’kin Tiyo, bitiwan mo ako!" Pilit niya itong itinulak, ngunit hindi siya nito binitiwan.
"Napakaarte mo, gusto mo pa talagang masaktan?!" Saad nito na may pagbabanta.
"Lumayo ka sa’kin, nandidiri ako sa'yo lumayo ka!"
"Ah' nandidiri pala ha, halika dito..." Muli siyang hinila nito at sapilitang hinalikan malakas ito at hindi niya magawang itulak. Kaya't wala siyang choice kun'di kagatin ito para tumigil.
Awtomatikong nahawakan nito ang nagdurugong labi, nang makita nito ang dugo sa kamay. Tila ito naging mabangis na hayop...
Nagulat na lang si Celestina ng bigla siya nitong sampalin. Pakiramdam niya nayanig ang buo niyang pagkatao sa magkahalong gulat, takot at sakit.
"Tiyo maawa ka sa’kin, tama na po!"
"Gan'yan nga, maging mabait ka sa’kin... Dahil sa mundong ito ako na lang ang kakampi mo, iniwan na tayo ng Nanay mo!"
Muli siya nitong nilapitan at sinimulan na namang hagkan. Ngunit hindi pa ito nasiyahan kaya tinangka na nitong hawakan ang harap ng kanyang damit. Kaya naman pilit siyang umiwas at sinikap alisin ang kamay nito ngunit hindi niya ito napagtagumpayan.
Ang sumunod na sandali ay higit na nagpayanig sa kanya, nang bigla na lang nitong wasakin ang harapan ng kanyang bestida...
"Hindiii, h'waaag!"
___
"Nakakaawa naman ang batang iyan, napakabata pa niya para maulila. Ang bilis talaga ng pangyayari, paano na siya ngayon nag-iisa na lang siya sa buhay."
"Ganu’n talaga kahit paano naman may mga kamag-anak pa sila dito na titingin sa kanya."
Nakikita at naririnig ni Celestina ang lahat ngunit wala na siyang lakas para magsalita, magkomento at kilalanin pa ang mga tao sa paligid niya.
Bakit ba kasi narito pa siya, bakit hindi na lang siya kainin ng lupa? Sana sabay na lang sila ng kanyang ina na ilibing ngayong araw.
Gusto niyang tumalon ngunit wala siyang lakas, wala siyang magawa kun'di pagmasdan lamang ang kabaong ng kanyang ina habang unti-unting ibinababa sa hukay.
Gusto niyang sumama sa kanyang ina kung saan man ito pupunta. Dahil sa pupuntahan nito batid niya na hindi na ito masasaktan pa.
Gusto rin niya ang lugar na iyon ang lugar na tahimik, sa lugar na hindi na sila masasaktan ng kahit sino at higit sa lahat hindi na sila magiging kaawa- awa.
Patuloy lang sa tahimik na pagtangis si Celestina. Hanggang sa mailibing na nang tuluyan ang kanyang ina. Hindi siya nakikipag-usap sa kahit kanino man, walang maayos na kain at wala ring sapat na tulog.
Hindi na nga niya alintana na unti-unti na ring nagsisiuwian ang mga nakiramay. Hanggang sa iilang tao na lang ang natira, kabilang si Mang Kanor at ang pamilya nito.
Naroon rin si Annabelle hindi nito iniwan si Celestina sa simula pa lang nang malaman nito ang lahat ng nangyari. Sinamahan ni Annabelle ang kaibigan maging sa bawat pagtangis nito.
Subalit walang pakialam si Celestina at hindi man lang siya nito binigyan ng kahit kaunti mang atensyon. Ngunit nauunawaan naman ito ni Annabelle. Dahil batid naman niya na labis na nasasaktan ngayon ang kaibigan.
"Celestina Anak, alam kong masakit ang nangyari sa iyong Ina. Subalit kailangan mo pa ring magpatuloy at mabuhay. Kaya kailangan mo ring magpahinga, halika na anak umuwi na tayo bumalik na lang ulit tayo dito bukas." Saad ni Nicanor kay Celestina.
Malapit na rin kasing dumilim at sila na lang ang naiwan. Halos nagsi-uwi na ang lahat.
"Dito lang ako hindi ko iiwan si Nanay umalis na kayo iwanan n'yo na ako!" Sa wakas nagawa rin niyang magsalita.
"Anak hindi ka maaaring mag-isa dito wala kang makakasama pag-uwi mo."
"Pabayaan n'yo na lang ako Tiyo!"
"Narito rin ang kaibigan mo si Annabelle kanina ka pa niya gustong makausap. Bakit parang hindi mo siya pinapansin?" Kahit narinig niya ang sinabi ng tiyuhin nagpanggap siyang hindi ito narinig.
"Celestina..."
"Sige na Tiyo Kanor iwanan n'yo na ako umuwi na kayo." Saad niya.
"Bes..."
Alam niyang si Annabelle ang nagsalita, subalit muli lang siyang bumalik at umupo sa damuhan kung saan nakahimlay ang puntod ng kanyang ina.
"Alam kong naririnig mo ako Cel, galit ka ba sa’kin?" Tanong ni Annabelle dahil talagang nakakahalata na ito.
"Umalis ka na rin, salamat na lang sa pakikiramay mo. Pero mas mabuti kung umuwi ka na!"
"Celestina bakit ka ba gan'yan, galit ka ba may nagawa ba ako?"
"Wala!" Walang gatol niyang sagot.
"Kung ganu'n bakit gan'yan ka, gusto kitang damayan at samahan sa kalungkutan mo. Pero bakit mo ako iniiwasan."
"Dahil hindi na tayo magkaibigan, ayoko nang maging kaibigan mo. Kaya umalis ka na rin huwag mo na rin akong lalapitan. Dahil hindi ako nababagay na maging kaibigan mo kaya iwanan mo na ako. P'wede ba?" Mahina ngunit may diin ang bawat salita ni Celestina kay Annabelle.
"A-ano bang sinasabi mo? A-alam kong magulo lang ang isip mo ngayon kaya nasasabi mo iyan. Pasensiya ka na kung dumadagdag pa ako sa problema mo ha!" Saad ni Annabelle habang paulit-ulit na pinapahiran ang luha na ayaw tumigil sa pagpatak.
"Hindi ko na babaguhin ang sinabi ko layuan mo na ako hindi na kita gustong makita. Lumayo ka na lang, huwag ka nang lalapit sa’kin, pakiusap!"
"Bes..." Ngunit lumapit pa ito sa kanya at niyakap siya mula sa kanyang likuran habang umiiyak rin.
"Ang sabi ko umalis ka na, hindi mo ba ako narinig? Umalis na kayo, iwanan n'yo na akong mag-isa umalis na kayo!" Malakas na sigaw niya.
"Halika ka na Anak, mabuti pa siguro iwanan na muna natin siya... Tayo na!" Kaya wala nang nagawa si Annabelle kun'di sumunod na lang kay Mang Kanor.
"Bes... uuwi muna ako pero babalik rin ako ha'?"
"Huwag ka nang babalik!"
___
Naiwan si Celestina sa harap ng puntod ng kanyang ina...
"Nay, gusto kong sumama sa'yo, gusto kitang samahan..."
Hindi na rin niya alintana ang biglang pagdlim ng paligid. Tila pati ang langit nais na ring magdalamhati. Tulad rin ng nararamdaman niya ng mga sandaling iyon, tila ba nais rin nitong sumabog.
Ilang sandali pa ang lumipas ng bigla na lang bumuhos ang napakalakas na ulan.
Ngunit manhid na yata ang kanyang katawan, hindi man lang niya ininda ang malalaking patak ng ulan na mabilis na bumasa sa kanyang damit.
"Nay, isama mo na lang ako, hindi ko kayang mag-isa... Ayoko na dito!
'Nay, isama mo na ako, pakiusap..."
*****
08-05-23
By: LadyGem25