BOY SALTIK

1702 Words
CHAPTER 3: ___ 13 Years Later... BARRIO MAGILIW _ Isang tipikal na Baryo sa bayan ng Sta. Barbara, Iloilo. Dahil sa hindi pa ito naabot ng sibilisasyon ng mga panahong iyon. Kaya naman ang mga bahay dito ay payak at napakasimple. Ang tanging naghihiwalay sa bawat bahay dito ay mga puno, malalagong halaman at bakod na yari sa kahoy o sala-salang kawayan. Pangingisda, pagtatanim at paggawa ng mga handicrafts ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao dito at dahil malapit lang sila sa Hacienda Caridad kaya naman halos kalahati ng taga Baryo ay sa Hacienda rin umaasa ng kabuhayan. Isa na dito si Boy Saltik... Nasanay na siya sa tawag na Boy simula pa noong bata siya. Dahil sa isa siya sa hindi pinalad na mabigyan ng pangalan, kahit ang mabinyagan. Hanggang sa isang dating taga Baryo ang nagbansag sa kanya na mayroon siyang saltik. Noong una dahil sa bata pa siya kaya hindi niya maintindihan kung ano nga ba ang saltik? Ang sabi ng iba dahil daw sa kanyang ina at nahawa na siya kaya may saltik na rin siya sa utak. Habang ang iba naman ay sinasabing dahil basagulero siya at mahilig makipag-away. Ngunit ang iba ay sinasabing dahil iyon sa tirador na madalas niyang hawak at ginagamit na pananggalang sa hayop man o sa tao. Ano man ang dahilan nila wala na siyang pakialam, noong una habang lumalaki siya naiinis siya sa bansag na ito. Ngunit nang lumaon hindi na lang niya pinapansin. Besides, dahil sa bansag na ito pinangilagan siya at kinatatakutan lalo na nang mga kabataan sa Baryo. Maliban lang sa mga dayo na hindi siya kilala at sa mga batang pasaway at matitigas ang ulo. Kagaya na lang ngayong araw... "London Bridge's fall in down, fall in down... Sasayaw na si Aling Celestina! Sasayaw na siya, sasayaw na s'ya!" Isang grupo ng mga kabataan ang inabutan niyang sabay sabay na kumakanta, habang pumapalakpak at nagkakatuwaan. Ang iba rito ay anak ng mga dayo at hindi taal na taga Baryo. Sa gitna ng mga ito may isang babae na nasa early 30's pa lang ang idad. Ngunit tila ito nasa 40's na, bagama't mababakas pa rin ang angkin nitong kagandahan. Subalit napabayaan na nito ng husto ang sarili. Nakasuot ito ng bulaklaking bestida na marahil paborito nito dahil sa iyon ang madalas nitong isuot. Halos hindi na nga makilala ang kulay ng damit dahil sa kalumaan at duming nanikit na. Bukod sa marungis, gulo gulo ang buhok at wala na rin itong sapin sa paa. Subalit wala itong pakialam sa sarili at tila ba may sarili na itong mundo. Ngunit sumusunod pa rin ito sa bawat palakpak at pagkanta, hindi nito alintana na pinagkakatuwaan lang ito ng mga kabataan. Umiindak at sumasayaw, kung hindi nga lang ito marungis ngayon at nasa ayos ang itsura nito. Marahil hahanga ka sa galing nitong sumayaw. Subalit kung natutuwa man ang iba na makita ito sa ganu'ng sitwasyon, hindi ang nag-iisa nitong anak... "Magsitigil kayo! Anong ginagawa n'yo sa Nanang ko?" Malakas na sigaw ng batang bigla na lang sumulpot kung saan. Nagulat naman ang mga batang kanina lang ay nagkakatuwaan. Biglang natahimik ang mga ito at ang iba ay nagtangka pang tumakbo. Subalit nagulat na lang ang mga bata ng bigla na lang maglaglagan ang mga bunga ng santol sa mismong tapat ng mga ito! Daig pa ng mga ito ang sinuntok dahil sa mga malalaking santol na tumama sa kanilang ulo. "Saan kayo pupunta ha'? Patay kayo sa'kin kapag inabutan ko kayo! Ang susunod kong titirahin ay iyang mga harapan n'yo!" Sabay halinhinan niyang itinutok ang hawak na tirador sa harapang bahagi ng mga batang nagtangkang tumakbo, na ngayon ay nakaharap na rin sa kanya habang nanginginig at tila maiihi na sa takot. Ang iba napahinto na rin at tila maamong tupa na nangakayuko at walang may lakas ng loob at gustong magsalita "Sige tumakbo kayo, wala ba kayong mga bay*g para harapin ako?!" Sadyang pinalaki nito ang boses na para bang sa malaking tao na. Ngunit kung iyong pagmamasdan... Ang batang galit na sumisigaw ay nakasuot lang ng Jersey short at sando na medyo kupas na at may tastas pa... Ngunit kakikitaan ito ng lakas ng loob, katatagan at tapang maging ng kahandaan sa ano mang laban. Habang matatag na hawak pa rin nito sa magkabilang kamay ang nakaumang na tirador. Handa na nitong patamaan ang sino mang gagawa ng maling pagkilos at sa magnanais kumalaban sa kanya. Kilala itong matapang sa kanilang Baryo at wala itong inuurungan matanda man o bata sa kanya. Dahil sa idad na labing dalawa para na itong matanda kung kumilos at magsalita. Maaga itong namulat sa hamon ng buhay, kaya naman wala itong inaasahan kun'di ang sarili... "Wala ba kayong magawa o naghahanap talaga kayo ng sakit ng katawan?!" Muling sigaw na tanong nito. Ilang sandali pa ang lumipas isang batang sampong taong gulang ang hindi nakatiis, humarap ito sa kanya at nagsimulang magsalita. "Kuya, hindi na kami uulit sori na Kuya..." Lakas loob na saad nito kahit tila maiiyak na ito rin ang pinaka bata sa grupo. "Good! Sige ikaw maaari ka nang maķauwi. Pero ang mga kasama mo manatili lang kayong nakatayo!" Parang kulog ang boses nito na tiyak na umabot sa tenga ng limang bata na naiwan. Tila naman ngayon lang nakahinga ang batang unang nagsalita. Agad na napasinghap ito at saka kumaripas na nang takbo. Habang naiwan ang limang kabataan na nanatili pa ring nakatayo habang nakayuko. Ang iba naghalo na ang pawis at uhog, mayroon ding panay na ang singhot at kusot sa mata. Ang tatlo rito ay ngayon lang niya nakita marahil anak ng dayo. Ngunit ang dalawa ay kilala na niya at sa tingin niya walang kadala-dala, talaga yatang gusto siyang subukan? Saglit na iniwan niya ang ina at tuloy tuloy na lumakad palapit sa mga bata. Habang isinusukbit na ang tirador sa kanyang leeg. "Mukhang nagkita kita na naman tayo mga bata?! Malapit na talaga akong magsawa sa mga pagmumukha n'yo ah'. Ano gusto n'yo na ba talagang manghiram ng mukha sa aso?!" "H-hindi po, huwag po!" Halos sabay-sabay na bulalas ng mga bata maging ng mga anak ng dayo. "Kung ganu'n uulitin n'yo pa ba ang ginawa n'yo sa Nanang ko?" "Hindi na po kuya..." "Anong Kuya, ikaw Onyok matanda ka pa sa'kin ah'? Tawagin n'yo akong Boss, magmula ngayon Boss ang itatawag n'yo sa'kin maliwanag?!" "Yes, Boss!" Iisang sigaw ng mga ito. "Good, Boss... Hindi Boy at lalong hindi Boy Saltik! Dahil malapit na akong magkaroon ng pangalan. Kaya ang muling tatawag sa'kin sa ganyang pangalan ay talaga malilintikan na sa akin tandaan n'yo 'yan!" Banta niya sa mga kapwa bata niyang kaharap, ang akala mo tila hindi bata ang mga nag-uusap. Samantalang idad katorse lang ang pinaka matanda sa mga ito. Sinuri pa niya ng tingin ang tatlong batang dayo... "Kayo anong ginagawa n'yo dito mga bagong salta kayo no?" "Boss mga taga Maynila sila baka dito na rin sila manatili." Sagot ng tinawag niyang Onyok. "Hmmm, Manilenyo pala kayo pano naman kayo napasama sa dalawang ungas na ito?" Muli niyang tanong. "Boss, s'yempre naman kasi mabait kami at mahusay makisama kaya kami nagugustuhan ng iba." Sagot naman ng isa pang batang taga Baryo. "Hindi kita kinakausap Rico kaya tumahimik ka nga diyan! Hayaan mong sila ang sumagot, ano wala ba kayong mga dila?" Hinarap niya ang mga bata. "Meron po Boss, sa Maynila kami dati nakatira pero ngayon dito na daw kami mananatili, magtatrabaho na kasi ang Tatay sa Hacienda." "Marunong naman pala kayong magsalita e, sige na magsiuwi na kayo! Huwag n'yo na lang ulit, uulitin ang ginawa n'yo. Dahil sa susunod hindi ko na talaga kayo patatawarin, maliwanag ba?" Aniya. "Boss hindi mo kami parurusahan?" Nagtatakang tanong ni Onyok. "Gusto mo ba parusahan kita?" "Naku hindi Boss ang bait mo yata ngayon Boss!" Nakangisi pang saad ni Onyok sa kanya at saka ito mabilis na umalis. Kasabay rin ng mga kasama nito na bigla na lang nagpulasan ng mabigyan ng signal. Naisip niya sanay na sanay na talaga si Onyok sa parusa palibhasa madalas na itong gawing punching bag ng Step father nito. Kaya naman hindi na ito takot tumanggap ng sakit ng katawan. Ang alam niya sa fish fort ang trabaho nito sa idad na katorse batak na ito sa pagtatrabaho. Kailangan kasi nitong kumayod para makatulong sa pamilya, lasingero at sugarol ang step father nito. Bukod sa tamad madalas nanakit pa ang step father nito lalo na kapag lasing. May pagkakataon naman sanang umalis si Onyok sa bahay nila. Ngunit hindi nito magawa dahil hindi nito maiwan ang ina at mga kapatid. Kaya kung minsan naiisip niya mas maswerte pa rin siya kumpara dito. Dahil siya kailangan lang talaga niyang magtrabahńo para sa Nanang niya at sa kanyang sarili. Mahal na mahal niya ang kanyang ina, ito ang nag-iisa niyang pamilya. Lahat gagawin niya kahit mahirapan pa siya masiguro lang niya ang kabutihan nito. Dahil sa kabila ng kalagayan nito ito pa rin ang kanyang nag-iisang Ina... Muli niya itong hinarap at gaya ng sinabi niya rito kanina hintayin siya nito. Mabait naman ito at madalas kahit anong sabihin niya sinusunod naman nito. Marahil nainip lang ito sa paghihintay sa kanya kaya ito lumabas, medyo na late kasi siya ng uwi. Alam na alam nito ang oras ng pag-uwi niya kaya hindi siya p'wedeng mahuli ng uwi. Dahil tiyak na susundan siya nito sa Hacienda. Si Celestina Torres ang kanyang Ina, hanggang ngayon isang malaking katanungan pa rin sa kanya kung bakit ito nagkasakit sa pag-iisip. Ayaw namang sabihin sa kanya ni Tatay Kanor. Palagi na lang sinasabi nito mas mabuti na raw na hindi niya alam. Paglaki na lang daw niya saka nito ipaliliwanag sa kanya ang lahat para daw mas higit niyang maunawaan. Kaya naman sobrang naiinip na siya sa kanyang paglaki na sinasabi nito. Dahil talagang gusto niyang malaman ang buong katotohanan na nangyari sa kanyang Ina. Dahil alam niya na dito rin niya malalaman kung sino ba ang tunay niyang Ama? Maaaring ito rin ang dahilan kung bakit hindi siya nabinyagan at hindi nabigyan ng pangalan. Dahil ba ayaw ng mga itong malaman niya kung sino ang kanyang Ama? ***** 09-21-23 By: LadyGem25
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD