bc

Katrina's Number One Fan

book_age16+
1.2K
FOLLOW
2.6K
READ
second chance
sweet
bxg
lighthearted
city
highschool
first love
sassy
bodyguard
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Hindi makapaniwala si Katrina nang muli niyang makita si Harvy pagkatapos ng maraming taon. Oo at madalas niyang naiisip kung kailan at kung paano sila muling magkikita, ngunit hindi niya inakalang magkakasama sila sa trabaho.

He was her high school sweetheart-her first love and first heartache. Ang akala niyang nalimot n­a niyang nakaraan ay muling nanariwa. Hindi lamang kilig at saya ang nanariwa kundi pati ang pait at sakit na idinulot nito sa kanya.

She knew she was being silly. Napakatagal na mula nang mangyari ang nakaraan. Hindi na dapat bumibilis ang t***k ng puso niya tuwing malapit ito sa kanya.

She couldn't fall in love with him again. She couldn't risk her heart again.

Ngunit mapipigil pa ba niya ang puso niya na mahalin uli ito kung iyon naman talaga ang nakatakdang mangyari?

chap-preview
Free preview
1
PINAGMAMASDAN ni Katrina si Juan Harvelo mula sa malayo. Nasa covered court sila ng kanilang eskuwelahan kung saan ito naglalaro ng basketball. Nakaupo siya sa isang bleacher at pinanonood ito. Ang lapad ng naging ngiti nito nang maka-shoot ito ng bola sa ring.       Hindi niya naiwasang mapangiti rin. Kahit hindi niya nakikita ang kanyang sarili, alam niyang nagniningning ang kanyang mga mata habang nakatingin dito. Naiinggit siya sa mga babaeng nagtilian nang maka-shoot ito. Lantarang ipinapakita ng mga ito ang paghanga sa binata. Sana ay magawa rin niya iyon nang hindi masisira ang reputasyon niya.       She was known to be a quiet girl kahit masasabing kaibigan niya ang lahat. Hindi siya aktibo sa mga extracurricular activities ngunit itinuturing siyang isa sa mga “brainiacs.” She was Miss Prim and Proper, kaya alam niyang magugulat ang lahat kung makikita siya ng mga kaeskuwela niyang tumitili na tila isang tipikal na fan ng isang superstar.       Sa isang banda, superstar na maituturing si Juan Harvelo na mas kilala ng lahat bilang “Harvy.” Transferee ito. Unang araw pa lang nito sa eskuwelahan nila ay maraming babae na ang nabighani rito at isa na siya sa mga iyon. Galing ito ng California. Hindi niya alam kung bakit ito nasa Pilipinas.       Kaklase niya ito ngunit hindi pa sila nakakapag-usap kahit dalawang buwan na mula nang magbukas ang klase. Parang hindi nga siya nito kilala. Ang madalas na kausap kasi nito ay ang mga “sikat” at “in” na mga kaklase nila kaya hindi sila nagkakaroon ng pagkakataong makapag-usap.       Okay lang iyon sa kanya. Nasisiyahan na siyang pagmasdan ito kahit hindi siya nito nakikita. She was willing to be a silent fan.       Juan Harvelo was gorgeous. Matangkad at maganda na ang katawan nito kahit bata pa lang ito. Kayumanggi ang kulay nito at bagay na bagay iyon dito. Mga lalaking kayumanggi talaga ang tipo niya. Lalaking-lalaki ang  dating ng mga iyon sa kanya.       Matikas si Harvey at maganda ang tindig. Magaling ito sa halos lahat ng sports. Hindi rin ito nagpapahuli sa klase.       Alam niyang maraming babae ang umaaligid dito. Hindi naman niya hinahangad na mapansin siya nito. Masaya at kontento na siyang hinahangaan ito sa malayo. Ayaw niyang mangarap at baka mabigo lang siya.       Hindi sila magkatulad. Hindi siya nito mapapansin kahit magtayo pa siya ng fans club nito. Sadyang hindi sila bagay. Masakit, ngunit wala  siyang magagawa.       May tumabi sa kanya. “Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong nito.       Bumaling siya kay Laureen. Ito ang best friend niya at ang kasalukuyang nangunguna sa kanilang klase. Sa palagay niya ay ito na ang magiging valedictorian. Nasa huling taon na sila ng high school. Siya ang pumapangalawa rito. Alam niya sa kanyang sarili na kung gugustuhin niya ay makakaya niyang talunin ito. Sadyang ipinapaubaya niya ang unahang puwesto kay Laureen dahil mas kailangan nito iyon.       Scholar ito sa kanilang eskuwelahan. Nag-aaral sila sa isang pribadong eskuwelan na hindi basta-basta ang mga nakakapasok. Kaya naman siyang pag-aralin doon ng mga magulang niya. Hindi sila ganoon kayaman, pero hindi rin naman sila maituturing na mahirap. May pag-aaring restaurant ang mga magulang niya, samantalang si Laureen ay labandera lamang ang nanay. Nagsisikap ito nang husto upang maiahon nito sa hirap ang nanay nito. At kung ito ang magiging valedictorian, malilibre pati ang pag-aaral nito sa kolehiyo.       Naging matalik na kaibigan niya ito dahil ito ang unang kumausap sa kanya noong unang araw ng unang taon nila sa high school. Ito ang naging kasa-kasama niya mula noon. Kahit magkaribal ang tingin sa kanila ng mga kaklase nila, hindi niyon naaapektuhan ang friendship nila. Nagawa nilang mapanatili ang magandang friendship nila sa loob ng tatlong taon, magiging matalik silang magkaibigan hanggang matapos sila ng high school—hanggang nabubuhay sila. Walang makakasira ng kanilang friendship—kahit ang pagiging valedictorian o kahit ang isang lalaki.       Sinundan nito ang tinitingnan niya. “Nakatingin ka na naman kay Harvy, Katrina,” nanunuksong wika nito. Ito lamang ang tanging nakakaalam na may crush siya kay Harvy. Dito lamang niya sinabi ang lihim na iyon dahil alam niyang hindi nito ipagkakanulo ang sekreto niya.       “Ang guwapo talaga niya, `no?” aniya habang tila nangangarap na bumuntong-hininga. Hindi niya inaalis ang tingin niya sa binata.       “Sobrang guwapo,” pagsang-ayon nito. “At mayaman pa.”       Hindi na lang niya pinansin ang narinig na matinding paghanga sa tinig nito. Masyado siyang abala sa pagtitig sa guwapong mukha ni Harvy upang pansinin pa iyon. HINDI napigilan ni Harvy na mapatitig sa maamong mukha ni Laureen Mislang. She was the number one girl in their class. She was very lovely. Malaanghel ang mukha nito. Matangkad din ito at maganda na ang hubog ng katawan.       Unang araw pa lang niya sa bagong eskuwelahan niya ay nabighani na siya sa ganda ng pinakamatalinong babae sa klase nila. She roused the protective instinct in him. She was like a fragile thing that needed to be protected. Hindi lang siya makaporma rito dahil tila ang sungit-sungit nito. Napansin din niyang tila naka-focus ang atensiyon nito sa pag-aaral.       Alam na niya ang sitwasyon nito. Hindi ito katulad ng iba sa kanila na medyo nakakaalwan sa buhay. She only able to go to their school because of a scholarship.       Hindi naging hadlang ang kalagayan nito sa buhay upang magustuhan niya ito. Lalo lamang sumidhi ang pagkakagusto niya rito. He felt like he wanted to give her everything.       Ito ang dahilan kung bakit madali niyang natanggap ang pansamantalang paninirahan nila sa Pilipinas. Isang taon lang ang pangako sa kanya ng kanyang ina. He wanted to go back to California as soon as possible. His life was there, and not in the Philippines.       May ipinapatayong negosyo ang kanyang ina kasama ang isang matalik na kaibigan nito sa Pilipinas. Ang sabi nito ay doon muna sila pansamantala hanggang sa ma-establish ang negosyo. His mother was a businesswoman. She was the wisest when it came to money matters. Kahit sabihing matalik na kaibigan nito ang kasosyo nito, nais nitong masubaybayan ang lahat ng proseso.       His father was in California. He owned a security agency there. He used to be a soldier. Nang patigilin ito ng kanyang ina sa serbisyo ay nagtayo na lamang ito ng security agency.       Hindi niya alam kung paano napapayag ng kanyang ina ang kanyang ama na doon muna silang mag-ina sa Pilipinas. Bibisita na lamang daw ito sa kanila paminsan-minsan. Nagmamahalan ang mga magulang niya. Ang kanyang ina ay hindi katulad ng ibang Filipina na nagpakasal lamang sa isang Amerikano dahil sa pera o sa green card. His parents truly loved each other. Nasaksihan niya iyon habang lumalaki siya.       Hindi raw kaya ng kanyang ina na malayo siya rito kaya isinama siya nito sa Pilipinas. Naiinis siya dahil nagugulo ang school records niya, pati ang buhay na nakasanayan niya. Ito na raw ang bahala roon. Ang mahalaga raw ay magkasama sila.       Nang pumasok siya sa bagong eskuwelahan niya, naging center of attention siya. Hindi na bago iyon sa kanya. Ganoon din naman ang nangyari noong nasa California siya. Everyone loved him. Sa paningin ng lahat, siya si Mr. Perfect. Sanay na siya sa atensiyon na ibinibigay ng lahat. He was blessed with good looks. He was born to be one of the popular people.       Laureen Mislang stood out because she didn’t care about him. She did not look at him with love in her eyes, like most girls did. Tila wala itong pakialam kung nag-i-exist siya. Tila hindi rin ito apektado kahit siya pa ang pinakaguwapong lalaki sa buong mundo. Kaya naman lalo niya itong nagustuhan.       Nasa library siya isang hapon at pinagmamasdan ito. Vacant period nila at mas pinili niyang magpahinga sa loob ng library. Si Laureen naman ay abala sa pag-aaral kasama ang best friend nitong si Katrina.       He was too engrossed in watching Laureen when  someone suddenly tapped him on the shoulder. Tumingala siya upang alamin kung sino iyon. It was Caleb, who was the first person to speak to him in that school. Ito ang masasabi niyang malapit na kaibigan niya sa Pilipinas. Pilyo ito at may kayabangan kaya hindi ito gusto ng lahat. Nagtataka marahil ang lahat kung paano niya ito naging kaibigan. Mabait naman ito at masayang kasama. Sa palagay niya ay misunderstood lang ito. Sadyang pilyo lamang ito at natural ang pagiging maangas ng paraan ng pagsasalita nito kaya lumalabas na mayabang ito.       “`Sup?” tanong nito habang umuupo sa tabi niya.       “Nothing much,” tugon niya. Ibinalik niya ang tingin niya kay Laureen.       Napapalatak na sinundan nito ng tingin ang tinitingnan niya. “I don’t understand why you have to look at her from a distance. Bakit ka ba natotorpe kay Laureen? Lapitan at ligawan mo na. Para ka namang hindi galing ng Amerika niyan. At hanggang ngayon, hindi ko maintindihan kung bakit may gusto ka kay Laureen. She’s boring.”       Pinigil niya ang mainis dito. Caleb had the habit of saying what was in his mind out loud, without thinking first if they were the right words to say. Sa loob ng dalawang buwang pagkakaibigan nila, nasanay na siya sa pagiging outspoken nito. Hindi niya alam kung bulag lang ito kaya hindi nito nakikita ang panghalina ni Laureen. She was the most beautiful girl in school.       Hindi niya sinabi rito na may gusto siya kay Laureen. Nahalata lang nito iyon dahil palagi siyang nakatingin sa dalaga. Hindi na nito kailangang tanungin siya, sapat na ang iniaakto niya bilang kasagutan. Matagal na nitong sinasabi sa kanya na ligawan na niya ang dalaga. Siguro ay tama ito; natotorpe siya.       Hindi siya dating ganoon. Kapag may gusto siya, agad na kumikilos siya upang mapasakanya iyon. Sa California ay hindi niya kailangang manligaw. Kusang lumalapit ang mga babae sa kanya.       Laureen was really different. Noon lamang niya nadama ang ganoon kasidhing atraksiyon para sa isang babae. Pinanghihinaan siya ng loob. Ni hindi niya ito makausap nang matino. Nabubuhay ang hiya niya tuwing kaharap niya ito. Kung katulad lamang ito ng ibang babae ay baka matagal na niya itong girlfriend. And that was the thing. She was different from all the other girls in school. If she was typical, he wouldn’t like her that much.       “`You want me to help you?” tanong ni Caleb sa kanya. “`You want some advice?”       “Save it for someone who needs it,” tugon niya.       Ayaw niyang pakinggan ang anumang sasabihin nito dahil baka lalo siyang mapahamak kung susundin niya ang mga payo nito. Mabait ito ngunit puno pa rin ng kalokohan ang isip nito. Baka sa halip na mapabuti ay mapasama pa siya.       “Sasabihin ko pa rin kahit ayaw mong pakinggan,” wika nito. “Nakikita mo `yong kasama niya sa table? Si Miss Number Two?”       “Katrina,” aniya. Napatingin siya sa best friend ni Laureen. Katrina looked okay. She was pretty but not that pretty. Mas maliit ito kaysa kay Laureen at medyo may kapayatan.       “Mas gusto ko nga `yang si Katrina kaysa kay Laureen, eh. Sa tingin ko nga ay mas matalino pa siya kay Laureen. Pinagbibigyan lang yata niya ang best friend niya dahil mas kailangan ni Laureen ang pagiging valedictorian.”       “Shut up, Caleb,” saway niya. Malapit na siyang mainis dito. Wala itong karapatang sabihin ang mga bagay na iyon tungkol kay Laureen.       “Hindi mo kasi sila nakasama mula first year, eh. Mas maganda talaga ang personalidad ni Katrina kaysa sa best friend niya. Pero kung mas gusto mo si Laureen kaysa kay Katrina, fine. Hindi ko naman sinisiraan sa `yo si Laureen. To each his own. Kung talagang gusto mong makipaglapit diyan kay Laureen, makipaglapit ka muna kay Katrina. Dikit ang dalawang `yan mula first year. Mas madali mong makukuha ang loob ni Laureen kapag nakuha mo na ang loob ng best friend niya. Magpatulong ka kay Katrina. Suggestion lang naman `yon, bro. Kung ayaw mong pakinggan, okay lang.”       Mataman siyang nag-isip. May punto si Caleb. Napansin niyang hindi nga naghihiwalay ang mag-best friend. Mukhang magkapatid ang turingan ng dalawa. Kung magiging kaibigan niya si Katrina, mapapalapit siya kay Laureen. Siguro ay matutulungan siya nito sa panliligaw niya sa dalaga. Baka sakaling mawala ang pagiging torpe at pagkamahiyain niya kapag nakuha na niya ang loob ni Katrina.       Pinagmasdan niya si Katrina. She was reading a book. Hindi iyon textbook kundi romance pocketbook. Bigla itong ngumiti na tila may nagustuhan nang husto sa binabasa nito. Nagliwanag ang buong mukha nito.       Kaagad na binawi niya ang sinabi niyang hindi ito gaanong maganda, na okay lang ang hitsura nito. Gumanda itong bigla sa paningin niya. She was no longer the girl with an “okay” beauty. She was more than okay. May kakaibang ganda rin pala itong itinatago. Bakit hindi ito ngumiti nang madalas upang nakikita ng lahat ang ganda nito?       Caleb’s idea was not bad. Hindi masama kung susubukan niya iyon. Hindi siguro mahirap kaibiganin si Katrina. May pakiramdam siya na magiging mabuti silang magkaibigan.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook