Pagkatapos nilang makapag-usap ng masinsinan ni Akira at magkaintindihan ay hawak kamay silang lumabas ng kubo ng may ngiti sa kanilang mga labi. Yes. Handa na siya at desidido na siya na muling buksan ang puso niya para sa iba. Mahal na mahal niya si Phoebe' hindi na iyon maitatanggi pa ngunit susubukan niyang unti-unting buksan ang puso niya para kay Akira. "Ang tagal naman nila," sabay tingin ni Harry sa kanyang orasang pambisig. "Kailangan kong tumawag sa amin, sigurado nag-aalala na sina Mama at Daddy sa akin ngayon." "Sige alam ko kung saan may signal, pero kaya mo bang maglakad?" Tanong niya kay Akira sabay turo niya sa isang burol malapit sa kubo. "Hmm.. Kaya ko pa naman Colonel, malakas pa ang tuhod ko. Ikaw kaya ang dapat kong tanungin diyan, heheh.. " Natatawang saad niya.

