Mula sa bahay ng mga Cervantes sa lungsod ng Tuguegarao, nag-aalala ang dalawa sa mga triplets—sina Wigo at Cole. Kagabi pa hindi mapakali ang dalawa dahil wala ang Ate Akira nila na dapat ay kagabi pa nakauwi. "Dapat nandito na si Ate, Cole lagot tayo kay Daddy. Wala daw si Ate sa Santa Ana, natawagan ko na ang mga staff niya doon." Ganoon na lamang ang pag-aalala nilang dalawa. Dahil sa labis na pag-aalala ay naitawag na nila ito sa kanilang mga magulang na noon ay nasa Isabela para damayan ang kapatid nilang si Achilles. Tanging sila lang nasa bahay nila sa Tuguegarao dahil ang usapan ay sabay sila ng Ate Akira nila na pupunta ng Isabela ngayon. "I'm trying to call her Dad, kagabi pa siya unattended." Kinakabahan na sagot ni Wigo sa Ama. "What?! Then where's your Ate?" "I don't kno

