Kinabukasan nagising si Akira dahil sa isang nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Napangiti siya' kay gandang umaga ang sumalubong sa kanya. Siya ay napayakap sa kanyang sarili ng maramdaman niya ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa kanyang balat. "Hmm.." nag-inat-inat pa siya saka siya luminga sa paligid. Nakita niyang nakatayo si Harry malapit sa papag na kinahihigaan niya at nag-aayos ng kanyang sarili. Napapangiti siya habang inaalala ang maiinit na tagpo sa kanilang dalawa kagabi. "Gising na pala ang munting prinsesa." Nakangiting mukha ni Harry ang bumungad sa kanya. Naglakad ito habang isinusuot ang kanyang t-shirt saka siya lumapit sa papag kung saan siya nakahiga. Natawa naman si Akira dahil tanging ang Daddy lamang niya a

