"Magpakasal na tayo mahal," pareho na silang nakahiga. Kinuha niya ang ulo ni Phoebe para ito ay pahigain sa kanyang kanang braso. "Really?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Phoebe. Gamit ang kaliwang braso ay pilit niyang inabot ang suot nitong pantalon kanina at mula sa bulsa ng pantalon ay inilabas niya mula doon ang isang maliit na box na kulay pula. "At sa tingin mo ba' hahayaan ko na lang ang nangyaring ito sa atin? Mahal kita at pananagutan kita Phoebe. I love you mahal ko, will you marry me?" Tanong nito habang unti-unti nitong binubuksan ang maliit na kahon na iyon. Isang kumikinang na singsing ang laman niyon. Ganoon na lamang tuwa ni Phoebe ng mga sandaling iyon. "Ang ganda mahal," tanging nasambit ni Phoebe ng kunin nito ang kanyang kamay at isinuot iyon sa kanyang daliri.

