Pagkatapos ng anim na buwan na bakasyon ay bumalik sina Harry at ang kanyang grupo sa Mindanao. Kagaya ng dati—mabigat na naman ang loob niya na iwan ang kanyang pamilya. Ngunit dahil sa trabaho niya ay kailangan niya itong gawin. Nakapangako naman siya na kukuha siya ng leave at uuwi kapag kabuwanan na ng asawa. * * * Mabilis ang paglipas ng panahon. Ilang buwan na ang lumilipas at eksaktong kabuwanan na ni Phoebe ay umuwi si Harry galing Mindanao para sa panganganak ng asawa. "Mahal ang sakit na ng tiyan ko. Mahal," hatinggabi iyon, kasarapan pa ng tulog ngunit nagising si Phoebe dahil sa sunod-sunod paghilab ng kanyang tiyan. Kahapon pa niya ito nararamdaman ngunit binalewala lamang niya. Pero ngayon kakaibang sakit na ang kanyang nararamdaman—dahil pati ang kanyang balakang ay su

