Kinaumagahan maagang gumising si Akira. Tiningnan niya ang kanyang cellphone at dito nakita niya na tadtad iyon ng missed calls galing sa Daddy niya at sa Mama niya. "Naku lagot," tanging saad niya saka siya nagmamadaling bumaba ng kanilang kama. Naka silent ang phone niya kaya hindi niya narinig ang tawag ng mga magulang niya. "Hmm.. Mahal ko ang aga pa, it's Saturday remember?" "Ah—eh, kasi nag-aalala na sina Mama at Daddy sa akin." Sagot naman niya kay Harry, nagmamadali niyang tinungo ang banyo para sa kanyang daily routine. "Wala akong dalang damit, paano ito?" Tanong niya, tumayo naman si Harry at tinungo ang closet doon at saka binuksan iyon. "Here," saad niya ng tuluyan ng mabuksan ang malaking closet doon tumambad sa kanyang paningin ang iba't ibang klase ng mga damit pambaba

