AKIRA'S POV: Ngiting-ngiti ng nakakaloka si Lindsay habang kami ay pinagmamasdan niya ni Daddy na nag-uusap. Pansin ko ang kakaiba nitong mga tinginan sa akin. Ang mga pilya nitong mga ngiti na tila may nais na ipahiwatig. Parang mali pero dahil kapatid ang turing ko sa kanya—pilit ko itong inignora. Pagkatapos naming makapag-usap ni Daddy ay kay Mama naman ako lumapit na noon ay nasa kitchen na tumutulong sa mga kasambahay para sa paghahanda ng aming almusal. Naglakad na nga ako at sinundan naman ako Lindsay. Ito ang gusto ko kay Mama, pagdating sa pagkain alagang-alaga niya kami. Hangga't maaari gusto niyang maging hands-on sa lahat kahit gaano pa siya ka-busy hahanap at hahanap siya ng oras para kami ay kanyang pagsilbihan. "Mama," masaya kong bati kay Mama. Pagkatapos kong makap

