“Are you sure about this?” Nababasa naman ni Lean sa mga mata niya. She wanted this as much as he does. Nakakahiyang aminin pero bigla na lang siyang tinubuan ng kakaibang init sa katawan. Siguro, ganito ang buntis, parang laging mainit. Hinawakan niya ang baba ni Lean at inabot iyon. Patak-patak na halik na may kasamang hagod sa labi nito ang iginawad niya. Kay Lean niya natutunan ang ganitong paraan. Isang beses lang silang nagtalik pero lahat na yata ng ipinadama nito sa kanya ng gabing iyon sa lahat ng parte ng katawan niya, parang kusang naiimprinta sa buo niyang sistema. “Damn!” malakas na mura ni Lean bago nito ipinirmi ng dalawang palad ang mukha niya at siniil ng mainit na halik ang kanyang mga labi. Walang anumang pananantiya sa bawat hagod ng bibig nito. Para itong gutom

