“Ready?” Nakangiting nilingon ni Romina si Lean. Abala ito sa pagmamaneho pero nakuha pang tapunan siya ng sulyap habang tahimik siyang nakaupo sa tabi nito. Kanina pa pala siya nanahimik simula nang manggaling sila sa bahay. Kagabi lang sila dumating ng Maynila mula sa Virac at parehong nagdesisyon na pumasok na kaagad sa opisina. Ayaw niya namang maiiwan na lang sa bahay. “Medyo,” sagot niya na hindi naiwasang pagsalikupin ang dalawang palad sa ibabaw ng mga hita. “Just relax.” Ginagap ni Lean ang kamay niya at pagkatapos ay dinala iyon sa bibig at hinalikan na ang pansin ay muling natuon sa unahan. “You’ll do great, trust me.” Sana. Sa paghugot ng malalim na buntong-hininga niya inilabas ang lahat ng kaba na natipon sa dibdib. Ngayon lang naman kasi ang unang araw na muli siyang

