“I love you.” Kanina pa nakahiga si Romina sa kama ngunit hanggang ngayon, ramdam niya pa rin ang epekto ng sinabi nito kanina. Para pa rin siyang nakalutang sa ulap. “Totoo nga talaga ‘yon?” ‘Di na kasi naulit pa. Kaninang naghapunan sila, magkatabi silang naupo. Sa gitna ng masaganang pagkain, may pagkakataon na hinahawakan ni Lean nang pasekreto ang kamay niya sa ilalim ng mesa at masuyong pinipisil. Nag-uusap ito at ang mga matatanda pero ayaw bumitaw sa palad niya. Ramdam niya naman sa kilos nito ang damdamin ni Lean, pero iba pa rin kasi kapag naririnig. Matapos maghapunan, inayos niya ang folding bed na hihigaan ni Leandro sa sala. Habang inaayos niya ang mga unan at kumot nito, tahimik lang na nakatitig si Lean sa kanya. Palinga-linga ito sa paligid, at nang makitang nasa baba

