Kanina pa sila nakahiga sa malapad na couch ng opisina ni Lean. Kanina pa rin lumipas ang mga sandali na wala na yatang ibang balak gawin ang asawa niya kundi ang titigan siya sa mga mata habang panay ang mabining paghaplos sa mukha niya. Halos ayaw na ngang kumurap pa. Parang takot na takot na baka mawala siyang muli sa isang kisap lang ng mga mata. Sa totoo lang, iba ang inaasahan niyang maganap matapos ang makapugtong-hiningang halik na pinagsaluhan nila kanina. Halos hindi siya makahinga pero hindi siya umangil. With all her might, nakipagsagutan at nakipaglaban ang mga labi niya. Wala na yata itong balak pakawalan ang bibig niya habang kinakarga siya patungo sa malapad nitong couch. “You need rest.” Aaminin niyang sa kabila ng suyo ng boses nito at lambing ng mga titig, iba ang

