“Are you sure about this, son?” Mula sa pagtitig sa labas, nilingon niya ang amang si Anton. Nasa mukha ng ama ang panghihinayang pero at the same time, naroroon din ang pagmamalaki nito sa kanya bilang ama niya. “Yes, Dad.” He had been thinking about this thoroughly. “Won’t you reconsider?” “Not anymore, Dad.” Napangiti ang ama. It was a bittersweet smile. Saka nito dinampot ang isa sa mga plake na natanggap niya. Isa lang sa mga recognition na natanggap niya simula nang hawakan ang DC. “Hindi ka ba nanghihinayang sa posisyon mo at sa lahat nang nagawa mo sa kumpanya?” “Aanhin ko ba ang lahat ng ito, Dad, kung mawawala naman sa akin ang pamilya ko? Ikaw ang nagturo sa akin kung gaano kahalaga ang pamilya. That, beyond everything, family should come first. I am just doing what you

