Nakakapagtaka at nakakasorpresa ang presensya ng isang Draco dela Cuesta sa mismong pamamahay nila. Ni minsan ay hindi pa niya ito nakasalamuha, ni hindi ito binabanggit ni Lean sa kanya. Pahapyaw niyang nalaman noong huling araw niya sa bahay ang tungkol sa lalaki. Worried si Tita Feliz na baka sinugod na ni Lean si Draco. At ngayon, makikita at makakaharap nila ang lalaki. Galit si Lean dito. Ganoon ang pagkakaunawa niya. Pinag-aralan niya ang kabuuan ng lalaki. Kasing-tangkad ito ng asawa niya. Mapagkakamalang magkapatid ang dalawa kung hindi niya lang alam na magpinsan lang ang mga ito. Ang kaibahan lang, parang maloko itong Draco. ‘Di kagaya ni Lean na ubod ng seryoso. Natuon sa mukha nito ang paningin niya. May hindi pa naghihilom na tila putok sa gilid ng baba nito. May pasa na n

