Kanina pa siya nakatitig sa orange juice na hawak sa kamay pero hindi man lang niya magawang bawasan ang laman. binili lang naman niya ang juice dahil nakakahiyang tumambay sa café na ito na walang inorder. Sa loob ng mga minutong nakaupo lang at nakatungo sa inumin, natunaw na rin sa wakas ang ice cubes na buong-buo pa kanina. Bahagya niyang ginalaw ang baso, gumalaw ang laman. Habang tinititigan iyon, para naman siyang ibinabalik sa lugar nila. Naalala niya ang malinaw na dagat sa kanila. Nami-miss niya ang mamay niya. “Uwing-uwi na ako, May. Sobra.“ Gustong-gusto na niyang marinig ang halakhak ng Tita Roda. Sabik na sabik na siyang mayakap at mahalikan ang mamay niya, pero kapag umuwi siya, ano na lang ang sasabihin ng mga ito kapag nakita siya sa ganitong kalagayan. “Ineng?” Pag

