Parang sinusuntok sa sakit ang ulo ni Lean nang magising kinabukasan. Binabarina sa kirot ang sentido nya. “f*****g hangover!” Naparami siya kagabi. Ngayon, ultimo pagmulat ng mga mata, nahihirapan siyang gawin. Sinabunutan niya ang kanyang buhok habang mariin pa ring nakapikit ang mga mata. Sa muling paggalaw niya, natabig pa niya niya ang kung anong malamig na bagay sa paanan at nalaglag iyon sa sahig. Kasunod ay ang ng nagpingkiang mga bote. Naalala niyang nagdala nga pala siya ng beer at whiskey pag-akyat niya ng silid kaninang madaling araw. Hanggang madaling araw siyang naghintay sa labas ng pinto ni Romina. Romina turned a deaf ear to him. “Romina…” Parang nawala ang anumang kalasingan at antok sa katawan nang maalala ito. He immediately stood up, only to be seated again a

