Dahan-dahang bumukas ang mga mata ni Romina at inaninag ang silid na kinaroroonan niya. Disoriented, she looked at her surroundings. Pinapalibutan siya ng puting dingding, malamig ang dapo aircon sa balat nita at may nanunuot na amoy ng kung anong gamot sa kanyang ilong. Nakapa niya ang higaan. Hospital bed ang kinahihigaan niya sa ngayon. Napapikit siya at dahan-dahang bumalik sa kanya ang nangyari. Bigla na lang lumiyo ang pakiramdam niya. Pinilit niya ang kumapit sa kung saan makakakapit. Bago siya nawalan ng malay, may tumulong sa kanya. “Romina?” Naidilat niya ang mga mata at napalingon sa pinagmulan ng boses. Si Mrs. Melendrez ang nagmamay-ari ng boses. Puno ng pag-aalala ang mukha nito at kaagad na lumapit sa kinaroroonan niya. “How are you feeling, Hija?” “Nasaan po ako, Ma’a

