“Sir, shall we proceed to the meeting?” Parang tumatagos lang sa tainga ni Lean ang sinabi ng executive assistant na si Arnold. Nanatiling nakapako ang mga mata niya sa sumaradong elevator. It shut a few minutes ago, yet he kept on staring at it. Katunayan, may ibang batch na ng mga empleyado ang nakapila sa harapan niyon. “Sir?” Trying to brush off this little encounter with her from his mind, he regained his composure. Apat na buwan ding irregular ang pananatili niya sa DC, now is the proper time to focus on his work again. Kailangan niyang tulungan ang ama. Kaya naman, sa pagsayad pa lang ng pang-upo sa upuan, walang katapusang responsibilidad na ang hinaharap niya. Nalunod siya sa walang katapusang meetings at pagbabasa ng mga papeles. “What’s my next appointment, Arnold?” tanong

