Lumipas ang buong gabi na hindi halos makatulog si Romina. Pabiling-biling siya sa higaan. Mabuti na lang at wala si Rhia ngayon dahil may out of town painting session ito. Wala siyang naistorbo. Walang nagtanong kung napaano siya. Walang nakarinig sa pagduduwal niya. Kalagitnaan ng gabi nang bigla na lang siyang makaramdam ng tila pagbaligtad ng sikmura. Dali-dali siyang nagtungo sa banyo at halos isuka na niya pati bituka niya. Ang lapot ng laway niya.Namumuro ang pawis sa buong mukha niya. Naulit pa ang pagsusuka pagkatapos mag-breakfast. Bigla-bigla na lang siyang nagkakaganito. Nadagdagan ang worries niya. Kinabukasan, pumasok siya sa trabaho na parang walang anumang nangyari. Pinilit niyang umaktong normal. Ayaw niyang maapektuhan ang trabaho niya sa kung ano man ang personal battl

