Ilang araw na ang nakalipas simula nang umalis si Lean at hindi na matawaran ang pakabagot ni Romina. Sa loob ng mga araw na iyon, kung anu-anong bagay na ang napagbalingan niya mawala lang sa isip ang pagka-miss sa lalaki. Pero, iba talaga kapag nasa paligid lang ito. Tumatawag naman ito pero limitado lang ang oras. Ayaw niya ring lagi itong nakababad sa kanya dahil sa tingin niya ay mas mahalaga ang pakay nito sa pupuntahan. Mabuti na lang at busy sa opisina nitong mga huling araw. Nakakatulong din na nadadalas ang pagkikita nila ni Angie. “Hm, himala ka yata ngayon, ha, at lagi na kitang nabibitbit. Wala na bang curfew sa bahay ng rich friend mo?” Malaman lagi ang mga birada ni Angie. Tumitingin-tingin ito ng mga baby garments pero nakuha pa talagang mamuna. Kapag ganito ang mga lum

