MASAKIT ang buong katawan ni Nenita lalo na ang parte ng kaniyang p********e matapos siyang pagsamantalahan ni Fredo. Nasa bungad ng pinto ang hayop na lalaki at kasalukuyang inuubos ang sigarilyo. Hindi man lang ito naawa sa kaniya kahit alam nitong buntis siya. Para itong demonyo nang angkinin siya. Walang awa at puro sakit ang idinulot ni Fredo sa kaniya. Pinilit niyang tumayo kahit nahihirapan pa siyang gumalaw. Nakagat niya ang pang-ibabang labi nang may pumatak na ilang patak ng dugo mula sa kaniyang p********e. Natatakot siya para sa kaniyang anak. Kinuha niya ang mga damit niya at isa-isang isinuot. Humarap si Fredo sa kaniya at ngumisi. Pinitik nito sa hangin ang upos ng sigarilyo. “Uuwi ka na?” kaswal na tanong nito na parang wala itong ginawang kababuyan sa kaniya. Tiningna

