SA inis ni Danilo kay Fredo ay umalis siya sa trabaho nang hindi nagpapaalam. Hindi niya kayang tiisin na makita ito nang matagal lalo na’t alam niyang ginalaw nito ang asawa niya. Ngayon ay labis-labis ang kaniyang pagsisisi kung bakit siya pumayag sa gusto nito. Hindi na lang niya dapat ipinangbayad sa utang ang sarili niyang asawa. Ngunit huli na ang lahat, huli na para magsisi pa siya. Nangyari na ang hindi dapat mangyari. Umuwi na lang siya sa bahay pero nagtaka siya nang hindi niya maabutan si Nenita. Kaya naman lumabas siya sa pag-asang makikita niya ito ngunit nabigo siya. Nakasalubong niya ang isa sa mga kapitbahay nila. “Aling Ising, nakita ninyo po ba si Nenita? Wala po kasi siya sa aming kubo pag-uwi ko.” Natatarantang tanong ni Danilo. “Aba’y nakita ko siya kanina. Sa akin

