Chapter 07

1800 Words

AYAW mang gawin ni Danilo ay wala siyang pagpipilian kundi ang itali si Nenita dahil sa labis na pagwawala nito. Nasa likod ang kamay nito at nakatali. Ang paa nito ay nakatali din. Mistula itong uod na nakahiga sa sahig at gumagalaw. Nagpupumilit kumawala. Para itong isang mabangis na hayop na umaangil at naglalaway. Namumula na rin ang mata nito. May mga kalmot sa braso at leeg si Danilo dulot ng pagwawala ng kaniyang asawa habang itinatali niya ito kanina. Nakaupo siya sa isang sulok habang umiiyak at nakatingin kay Nenita. Labis ang habag na nararamdaman niya para dito. Isinandal niya ang ulo sa dingding at iniuntog iyon nang mahina. “Kasalanan ko ito, e… Ang sama-sama kong asawa sa iyo, Nenita…” Mahina niyang sambit. Sa wari niya kasi ay naputol na ang pisi ng katinuan ng kaniyang a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD