Chapter 15

1799 Words

HILA ni Danilo ang katawan ni Ipang. Palinga-linga siya sa kaniyang paligid sa takot na baka may ibang tao na makakita sa kaniya. Nagiging madali ang paghila niya dito dahil sa umulan kanina, naging madulas ang lupa dahil nagpuputik iyon. Nang makaipon ng lakas ay saka niya binuhat ang katawan ni Ipang. Lakad-takbo ang ginawa niya hanggang sa makarating siya sa isang kuweba. Natatandaan niya na may kuweba nga pala sa kagubatan. Iyon nga lang, pinangingilagan iyon ng mga taga-Sapian dahil sa may kuwento na may nakatira doong engkanto. Ngunit siya ay hindi naniniwala. Ilang beses na rin kasi niyang naging silungan ang kuwebang iyon sa tuwing inaabot siya ng ulan kapag nangangahoy. O hindi naman kaya ay pahingahan kapag siya ay pagod at napapadaan doon. Kaya alam niya na hindi totoong may na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD