Killer 7

589 Words
One week nawala si Lola Rita and today dadating na siya that witch sarap pasabugin inis na inis din sa kanya si Carlyn kaya kahit gusto niya akong bantayan ay pinaalis ko na siya baka mabaril niya si lola nang wala sa oras. Maiksi pa naman ang pasensya ng isang iyon. Naglalakad ako pababa ng hagdan nang makita ko si Mirko papasok sa kusina kaya naman nagmamadali akong tumakbo pababa. Sobrang na miss ko ang bebe ko na 'yan! "Mirkooooo!!" sigaw ko kaya naman napalingon siya sa'kin. Dahil sa pagmamadali ko ay natapilok ako at nagpagulong gulong pababa ng hagdan. "Ouch!" napahawak ako sa balakang ko na kumikirot sh*t ang sakit kaasar. Nakakahiya sa harap pa talaga ng crush ko. "Are you okay?" tanong niya sa'kin. Tumingala ako kay Mirko na sobrang gwapo sh*t napahiya ako sa harap ng gwapo na to? Kainis! Lupa kainin mo ako! "Haha oo naman," nahihiyang sagot ko sa kan'ya. "Tss wag ka kasing tumatakbo pababa ng hagdan," inis na sabi niya. Ang taray naman. Akala mo naman ay concern siya sa'kin. Mabuti sana kung concern nga baka mamaya naiinis lang siya sa katangahan ko. "Ayiiiiee concern ka ba?" pang-aasar ko sa kan'ya. "Tss asa." pangbabasag niya sa ilusyon ko. Badtrip kahit minsan bakit di na lang niya sa bayan ang trip ko. Napasimangot ako sa sinabi niya, kahit kailan talaga ang cold niya. Naglakad na muli siya papunta sa kusina kaya agad naman akong tumayo at humabol sa kan'ya. Ganyan naman role ko sa buhay niya tagahabol. "Namiss kaya kita kaya nagmamadali ako," sabi ko sa kan'ya. Hindi niya ako pinansin nagtuloy tuloy lang siya kumuha ng tubig at uminom. Akala mo naman hangin ako kung ituring niya, hoy dyosa ako ayaw mo pa? Lumapit ako sa kanya. "So ako ba namiss mo?" mapangahas na tanong ko sa kan'ya. Nanlaki ang mata niya at naibuga ang iniinom niya sa mukha ko. F*ck sa mukha ko talaga! Grabe naman ganoon ba nakakadiri ang tanong ko at binugahan niya pa ako sa mukha. Pasalamat siya mahal ko siya e! "Sh*t I'm sorry sorry!" natataranta ng sabi niya. First time kong makita na natataranta siya. Dali dali niyang pinupunasan ang mukha ko habang ako naman ay gulat na gulat parin. Nakatingin lang ako sa kanya na ang lapit lapit sakin habang pinupunasan ako. Nakaramdam ako ng pag init ng mukha ko. s**t alam kong namumula na ako. "Ah ang lapit mo masyado," puna ko sa distansya namin. Masyadong malapit na baka marinig niya ang pagkawala ng puso ko sa loob ng dibdib ko. Nanlaki naman ang mata niya at agad agad na namula ang pisngi. Ang cute! Nagmamadali siyang lumabas ng kusina. At iniwan akong na katanga sa naging asta niya. Sh*t tama ba nakita ko? Namula sya? Oh my! That means naapektuhan ko siya! Omooo I'm so kinikilig! Damn he's so cute! Ano ba lalo akong nahuhulog sa'yo, Mirko! Panagutan mo ako! "Ma'am," napalingon ako sa katulong na lumapit sa'kin. "What?" masungit na tanong ko. "Bakit po kayo nakangiti mag isa at basa pa mukha niyo?" takang tanong niya sa akin. Ngumiti naman ako ng pagkatamis tamis sa kanya. "Pakialam mo ba?" I rolled my eyes on her and flipped my hair. Tsismosang ito, magtrabaho na lang siya kaysa makitsismis sa akin. I can't be close sa kahit kanino dito dahil lahat naman sila ay tuta ng lola ko. Malay ko ba kung pinababantayan din ako sa mga kasambahay dito. Walang kahit sino sa kanilang dapat pagkatiwalaan kahit pa ang lalaking may-ari ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD