Killer 8

640 Words
Hmm hmm hmm I was humming while running. Lumabas ako kanina para magjogging pero anong nangyari? Here I am running as fast as I can dahil sa mga bwesit na humahabol sakin. Sa sobrang ganda ko ay habulin talaga ako. Duhh! Inggit lang ang mga ito sa beauty ko. Malayo na ang narating ko at mukhang naliligaw na yata ako. Lumiko ako sa isang kanto at sh*t. "Dead end baby," narinig kong sabi ng isa. Dahan dahan akong lumingon sa nagsalita nakangisi siya sakin. Isa isa pang nagdatingan ang mga kasamahan niya. One two three four five and six? Para sa babae na katulad ko hindi yata patas ang ganito lagi na lang ang daming humahabol sakin bakit ba kasi ang ganda ganda ko? Ano ba 'yan itatanong ba nila ang skin care routine ko? "Anong kailangan niyo?" tanong ko sa kanila. Nagsingisian sila sa tanong ko bwesit! Mga mukhang manyak 'tong mga ito. Mabuti kung gwapo kaso mga mukhang impakto! "We want you dead," sagot ng lalaking may red hair. Red hair talaga ang pangit mukhang jeje. Korean oppa yern? "Really? Sino bang boss niyo?"tanong ko. "Bakit kailangan mo pang malaman ay mamamatay ka rin naman?" tanong ni blue hair. Korean group ba ang mga ito, papangit ha! Grabe parang nakatingin ako sa rainbow dahil sa kulay ng mga buhok nila. "Yon na nga mamamatay na ako so kahit pangalan manlang ng gustong magpapatay sa'kin malaman ko," pang-uuto ko sa kanila. Hindi nila ako pinansin at humugot ng baril ang orange ang buhok agad niya itong pinutok sa'kin, mabilis man akong nakailag ay tinamaan parin ako sa balikat. Tumakbo ako palapit kay orange at hinawakan ang kamay n' yang may hawak na baril pinilipit ko ito. Mabilis kong sinuntok siya sa panga inagaw ko din ang baril niya pagkatapos ay mabilis na pinutok sa noo niyang malapad. Sumugod sakin si blue gamit ang kutsilyong hawak niya agad ko siyang iniwasan at pinutukan ng baril maging si Red na pasugod din sakin. Isang kutsilyo ang bumaon sa hita ko at nakita ko ang nakangising si yellow. Sabay sabay na sumugod si yellow, green at pink. Nabaril ko si yellow at green pero pag minamalas ka nga naman naubusan ako ng bala. Napahiga ako nang masuntok ni pink sa sikmura. Grabe naman pink, walang awa sa babae? Balang 'to! "Ugh!" daing ko. "Kahit babae ka wala akong pakialam," sabi niya. "Edi wow!" sagot ko sa kan'ya. Tss ang yabang ng gago palibhasa hindi ako makakilos ng maayos dahil sa tama ko sa hita. Sinipa niya ako sa tagiliran at agad naman akong napaigik sa ginawa niya. Bwesit na 'to. "Ano kaya pa ba?" pang aasar niya sa'kin. Yabang niya ha, sarap burahin sa mundo. Kumuha ako ng bwelo at agad na tumayo walang pakundangang hinugot ko ang kutsilyong nakabaon sa hita ko at sinaksak sa dibdib si pink. Kitang kita ko ang gulat sa mga mata niya. Ngumisi ako sa kanya. Akala mo ha, gulat ka no? "Ano kaya pa?" natatawang tanong ko sa kan'ya, ginaya ang tanong niya kanina. Iika ika akong naglakad paalis. Aww ang sakit ng balikat ko pati hita bwesit. Naalala ko ang relo na suot ko at dali daling tinawagan si Mirko. "Anong kailangan mo?" masungit na tanong niya sa akin. Kahit kailan talaga, hindi ba pweding 'yes baby?' ang ibungad niya sa akin? "Ugh! Hanapin mo ako," utos ko sa kan'ya. "Tss umalis ka ng mansyon mag isa umuwi ka mag isa bye," sagot niya. Wala talagang puso ang isang ito. "WAIT!" "What?"iritang tanong niya. "Pag di mo ko hinahap baka maubusan na ako ng dugo," sabi ko sa kan'ya. Paawa ganern, sad girl lang ang peg. "Fine," napipilitan niyang sabi. Napangisi naman ako habang naglalakad sus di niya rin naman pala ako kayang tiisin. Future wife niya ako dapat hindi niya talaga ako tinitiis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD