Nagising ako sa puting lugar sh*t nasa langit na yata ako. Iginala ko ang paningin ko pero nasa ospital lang pala ako. Akala ko makikipagtalpak na ako kay San Pedro.
"Sam you're awake," nakangiting bungad sakin ni dad.
"Dad anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko sa kan'ya.
Kumunot naman ang noo nya sa tanong ko patay baka sermunan ako nito.
"What kind of question is that Sam? I'm your father and I should be here dahil nag alala talaga ako ano bang nangyayari sa'yo last time umuwi ka daw duguan and now naospital ka naman," nag-aalalang sabi ni daddy.
"Dad okay lang naman ako tsaka sino ba nagsumbong sa'yo?" tanong ko sa kan'ya. Sino ba namang marites ang nagsabi sa daddy ko, ayaw ko ngang sabihin sa kan'ya kasi mag-aalala lang siya.
"Di mo na kailangan malaman Sam all you need to do is come home. I don't even understand why are you staying at your Lola's house," naiinis na sambit ni daddy.
Ito na nga bang sinasabi ko papauwiin ako ni dad anong gagawin ko kailangan ko bantayan si Lola sa mga kilos niya. Hindi pa ako pweding umalis sa bahay ng bruha kong lola.
"I can't dad."
"Please Sam you're not safe there," paki usap ni dad.
"Yes I know but I want to stay dad mas safe ako kapag doon ako tumira kapag umalis ako lalo silang magkakaroon ng pagkakataong patayin ako ng hindi sila mapagbibintangan," paliwanag ko sa kan'ya. I'm doing this for you dad, ayokong masaktan ka nila kaya ba bantayan ko ang kilos nila.
Napabuntong hininga na lang si dad bago ako niyakap. Walang siyang magawa kahit alam kong labis-labis ang pag-aalala niya sa akin.
"Just take care okay?" paalala niya.
"Yes dad and dad where's Mirko?" pag-iiba ko ng usapan.
"Why anak?" takang tanong niya.
Namula naman ako sa tanong ni dad bakit kasi hinanap ko pa ang suplado na 'yon. Baka magtaka si Daddy bakit hinahanap ko si Mirko.
"You like him?" mapanuksong tanong ni dad. Ganoon ba ako kahalata? Hindi naman siguro diba? Wee? Talaga ba Samantha hindi halata?
"No dad," nahihiyang sagot ko.
"Why Mirko is handsome and he can protect you," sabi naman ni Dad.
Napangiti naman ako sa sinabi ni dad. Boto ba ang daddy ko sa masungit na 'yon?
"Is it okay if I like Mirko?" tanong ko sa kan'ya.
"Hahaha of course anak you can like whoever you want and besides Mirko is a great guy he stayed here the whole night para lang bantayan ka."
Ha? Wait nagpaparty na agad ang puso ko sa sinabi ni daddy.
"Talaga dad? Ginawa niya 'yon?" nanlalaking matang tanong ko.
Nakakakilig naman sabi na nga ba hindi ako pababayaan ng supladong 'yon konti na lang Mirko konting motibo pa iseseduce na talaga kita. Hahaha nababaliw na talaga ako.
"Yes anak haha kinilig ka naman?" panunukso ni dad.
"Hindi dad ah, grabe ka sa'kin haha," tanggi ko kahit ang totoo ay parang sasabog na ang puso ko sa sobrang kilig.
Ano ba Mirko, pa-fall ka talaga.