Killer 10

527 Words
"Ito na nga bang sinasabi ko sa'yo Sam look at you haggard ka na dito sa ospital you should go home na at sa bahay dapat ni tito Greg!" Kanina pa talak nang talak si Carlyn simula nang dumating siya, kesyo ito na nga daw ba sinasabi niya bla bla bla tss nakakarindi. Kung hindi ko lang siya mahal, pinasakan ko na ang bibig ng babae na 'to. "Hindi nga pwede diba kailangan ko bantayan mga kilos ni lola," sagot ko sa kan'ya. Inikot niya ang mata niya dahil sa sinabi ko sarap talaga sapakin ng maldita na 'to. Dukutin ko mata mo e. "Then what hihintayin na lang namin kung kailan idedeliver ang bangkay mo ganoon ba?" naiinis na tanong niya sa akin. Ang Oa niya hindi ko naman hahayaan ang sarili ko na mapatay e. "Tss ang Oa mo Carlyn," reklamo ko sa kan'ya. "Oa ba yon Sam? I care for you kaya ganito ako tsaka if I know baka si Mirko lang binabantayan mo," naiinis na talaga siya sa akin. "Bakit alam mo? Hahaha," biro ko. "Yaaaahh! Umayos ka, hindi lovelife ang magiging cause ng death mo!" naiiyak na sabi niya. Ang Oa talaga binibiro lang e. "Hahaha biro lang." Sinamaan niya lang ako ng tingin bago tumayo at kumuha ng mga prutas at kinain niya akala ko pa naman ipapakain sakin tss masakit talaga umasa para ng pag asa ko kay Mirko di joke lang nakuha ko pang humugot. Nakatitig lang ako sa kan'ya habang sarap na sarap siyang kumakain. Nang mapalingon siya sa akin ay inalok niya ako. "Gusto mo?" tanong niya. "Penge," sagot ko bago naupo sa kama. "Magbalat ka! Blehh!" mapang-asar na sabi niya at nilabas pa ang dila niya. Ang bruhang 'to. Sinimangutan ko lang siya. Maya maya lang ay pumasok si dad at sinabing pwede na daw akong umuwi. Sa wakas ayoko na magtagal dito lalo na kung si Carlyn ang bantay ko, magugutom ako habang siya ay busog. "Buti naman akala ko dito na ako titira e," natatawang sabi ko. "Tito Greg sa bahay mo na po pauwiin ang babae na 'yan," utos ni Carlyn kay dad. Aba akala mo mas matanda siya kay daddy kung makautos. "That's what I want too but my daughter is hard headed ayaw niya mas mahal niya yata ang lola niya," kunwaring nagtatampong saad ni dad. "Mahal no way that witch! Never!" "Parang di ka naman naging paborito nun hahaha," singit ni Carlyn. Sinamaan ko naman agad ng tingin si Carlyn pero nagpeace sign lang siya. Ang kalokohan ng babaing 'to! Inayos na ng mga tauhan ni dad ang gamit ko habang ako naman ay pumunta sa banyo para magbihis na. White shirt at black short ang suot ko tapos slippers tae para akong nasa bahay lang sabagay pauwi lang naman ako sa bahay ni lola hindi naman ako gagala. Dapat ba mag gown ako? haha o mag bikini na lang para maakit na sa akin si Mirko. Isa pa ang lalaking iyon hindi manlang bumalik sa hospital para bisitahin ako. Hayae na nga kinilig naman na ako nong sinabi ni dad na magdamag akong binantayan ni Mirko. Kilig na kilig!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD