Killer 11

538 Words
Sinalubong kami ni lola Rita nang dumating kami. Uy namis yata ako ng plastik na 'to. "Samantha okay ka na ba?" kunwaring nag aalala niyang tanong sa akin. Halos masuka ako sa pag-arte niya. Kung dumalaw na rin kaya siya sa hospital para naman mas convincing na nag-alala siya. "Yes I'm fine lola" nakangiting sagot ko sa kan'ya. Niyakap niya naman ako na akala mo'y hindi siya ang may pakana ng nangyari sa'kin. Yakap lang? Nahiya pang sakalin ako. "I will let her stay here but only this vacation once the vacation is over uuwi na si Samantha," matigas na sabi ni dad. "It's okay Greg she can stay here as long as she wants," sagot ni lola kay daddy. Bakasyon sa university namin kaya ako nakakatagal sa bahay ng lola Rita ko at hindi ko rin naman inakala na ganito ang matutuklasan ko dito. "Aalis na ako Sam ingat ka dito," nakangiting sabi sa'kin ni Carlyn. "Sa oras na may mangyaring masama sa'yo tandaan mo MAKAKAPATAY Ako!" may diin ang huling salitang binitiwan ni Carlyn bago ito lumingon kay Lola Rita. Ang gaga talagang nagparinig pa! Ngumiti si lola kay Carlyn kahit halatang kinabahan siya sa sinabi nito. Alam kong hindi nagbibiro o nananakot si Carlyn. Hindi siya nananakit pero ibang usapan na pag taong mahalaga sa kanya ang nasaktan. Ang swerte ng magiging jowa niyan sobrang protective. "Don't worry mag iingat ako" nakangiting sabi ko kay Carlyn bago siya niyakap. "Sam aalis na rin ako," paalam ni daddy sakin. Niyakap ko si dad at humalik sa pisngi nya. Ang mahal na mahal kong daddy, lahat gagawin ko para sa'yo dad, kahit itaya ko pa ang buhay ko, maprotektahan ka lang. "I love you dad," bulong ko sa kan'ya. "I love you too anak" sagot niya sa akin. Hinalikan niya ako sa noo bago tuluyang umalis kasama si Carlyn. Nang makaalis sila ay umakyat na ako sa taas ng mansyon at nagpahinga sa kwarto. Lumapit ako sa tapat ng bintana at nakita ko si Mirko na nakaupo sa duyan sa garden. Tinawagan ko siya gamit ang smartwatch na bigay nya. "What?" bungad niya. Ang sungit naman. "Namiss kita," malambing na sabi ko sa kan'ya. Natigilan siya sa sinabi ko at mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko kung paano umangat ang kanyang labi nakangiti siya. Pakiramdam ko ay matutunaw ang puso ko sa sobrang saya. Ganito pala ang pakiramdam pag nakita mong ngumiti ang taong mahal mo. Pwede na yata akong mamatay dahil nakita ko na siyang ngumiti. "So?" masungit na sagot niya sa'kin. Napangiti naman ako nagpapanggap siyang masungit sakin pero alam kong mabait siya. "Salamat," I'm talking about that day, tinulungan at binantayan niya ako sa hospital. "Tss." "Ang gwapo mo pala ngumiti," panunukso ko sa kanya. Kitang kita ko kung paano siya nataranta at lumingon sa tapat ng bintana ko. Natatawa akong kumaway sa kanya pero agad siyang tumalikod at naglakad na pa layo. Aww ang cute nahihiya ang bebe ko. Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame. Hindi mawala ang mga ngiti sa labi ko at ang ngiti ni Mirko ay hindi maalis sa isip ko. Ahh!! I'm going crazy. I guess I am, I am crazy inlove with that assassin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD