Killer 12

814 Words
Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Nakatali ang kamay at paa ko nilibot ko ang tingin ko at nakita ko na nasa isang silid ako at wala akong kasama. s**t nakatulog lang ako a. Nakatulog lang ako pag gising ko bihag na ako. Mukhang kumilos na si Lola Rita sawa ng mag in arte. Pagod na siguro siyang magpanggap. Naiistress na yata sa pagpapanggap na mabait kahit demonyita naman talaga. Bumukas ang pinto at pumasok si Lola Rita. Ang bruha kong lola. "Hi apo ayos ka lang ba?" nakangising tanong nito. Akala mo naman ay nanalo sa lotto kung makangisi. "Ayos lang lola. So are you tired pretending?" tanong ko sa kan'ya. Humalakhak naman siya sa tanong ko bwesit na matanda to sarap pasabugin ng ulo. Sapak in ko ngala-ngala niya e. Halakhak niya pang mangkukulam. "Yes apo are you ready to die?" nakangising tanong niya. Ready to die your face. "Always Lola how about you?" ganting tanong ko. Aba dapat ready din siya doon din naman ang punta niya. "No because I won't die little girl," nakangising sabi niya. Sure kana niyan? Ngumiti naman ako ng nakakaloko sa kanya. Tignan natin kung hindi ka mamatay na matanda ka kapag may nangyari sakin. Hindi ako natatakot mamatay dahil alam kong ipaghihiganti ako ni dad. May kaibigan si dad na makapangyarihan at kayang kaya na patayin si Lola Rita at alam kong hindi ito magdadalawang isip tulungan si Daddy. Ang alam ko ay kaibigan ni daddy ang nangungunang makapangyarihang demonyo. Hindi naman literal na demonyo, pero may tinatawag silang thirteen devil. Ang pinakamalulupit at walang pusong grupo. Lambing tatlong makakapangyarihang tao, maswerte na kakilala ni daddy ang number one. "Don't worry apo hindi ka pa mamamatay dahil kailangan pa kita para makuha ang daddy mo," sabi niya. Umiinit ang ulo ko sa sinabi niya. Ang kapal talaga ng mukha niya ako pa talaga gagamitin niya para makuha si daddy. "Kahit dulo ng daliri ng daddy ko ay hindi mo mahahawakan dahil kahit sa huling patak ng dugo ko dudurugin kita sa oras na mahawakan mo kahit dulo ng daliri ni dad," tinignan ko siya ng seryoso para iparating na hindi ako nagbibiro. Kitang kita ko ang takot sa mga mata niya dapat lang! Dahil handa akong maging demonyo para lang protektahan ang mahal ko sa buhay. At kahit sino babanggain ko maprotektahan lang ang mga mahal ko. "Yon ay kung may magagawa ka pa," sagot niya bago ako iniwan. Nagawa kong tanggalin ang nakatali sakin pero ang problema ko ay kung paano ako lalabas. Hindi ko alam kung nasaan akong lugar at wala manlang akong baril. Kinapa ko ang dibdib ko at napangiti ako ng maramdamang nandito pa ang maliit kong kutsilyo. Lumabas ako sa silid kung saan ako nakakulong. Bakit ganoon walang nakabantay?. Dahan dahan akong naglakad dahil baka may makarinig sakin. Palampas na ako sa isang silid ng makita kong bahagya itong nakabukas kaya naman sinilip ko ito. May kausap si lola tsk so may kasabwat pala siya. Makikinig pa ako sa usapan nila ng may humigit sa braso ko sa gulat ko ay agad kong kinuha ang kutsilyo ko at sinaksak sa taong humigit sakin. Mabuti na lang at mabilis nyang nahawakan ang braso ko. Nahihiya naman akong ngumiti kay Mirko na masama ang tingin sakin. Hinila niya ako paalis sa lugar na 'yon pero hindi pa kami nakakalayo ay may nagpaulan na samin ng bala. "s**t!" napamura si Mirko at tinago ako sa likod niya. Gumanti ng pagbaril si Mirko at inabot sakin ang isa pang baril. Lakad takbo ang ginagawa namin para lang makaalis na sa building kung saan kami naroroon. "Bakit mo ako tinutulungan mahal mo na ba ako?" biro ko sa kan'ya. Hindi niya ako sinagot bagkus ay sinamaan niya lang ako ng tingin. Napakasungit niya talaga, kailan niya kaya ako mamahalin? Habang tumatagal ay lalong dumadami ang humaharang samin. Inaagaw na lang namin ang baril ng mga taong napapatay namin dahil ubos na ang bala ng baril ni Mirko. "Aww," daing ko nang madaplisan ako sa braso. "Are you alright?" nag aalalang tanong ni Mirko. Napangiti naman ako ng makitang nag aalala siya sa'kin. Dahil nasa akin ang atensyon niya ay hindi niya napansin na inasinta siya ng isang lalaki. Mabilis ko siyang niyakap pinagpalit ang posisyon namin. "Ahh!" daing ko nang maramdaman ko ang pagbaon ng bala sa likod ko. "Bullshit!" sigaw niya at walang awang pinagbabaril ang lalaking nakatama sa'kin. "Hey tama na," sabi ko habang pinipigilan ang kamay niya sa pagbaril. "Baka maubos ang bala" biro ko pa. Tumigil siya at mabilis na niyakap ako. "Hindi mo dapat ginawa yon!" sigaw niya sakin. "s**t! Para sakin ang balang yan! I hate seeing you bleed! I hate seeing you hurt!" Nagulat ako sa mga salitang binitiwan niya sa halip na magalit dahil sinisigawan niya ako ay ngumiti na lang ako. Ang sarap kiligin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD