Killer 2

683 Words
Nakangiti akong nakatitig sa suot kong relo hihi galing ito kay Mirko at ang sabi niya ay wag ko daw tatanggalin hihihi. Bago pa ako himatayin sa kilig ay naisip kong pumunta sa training room matagal na rin ang huling beses na nagtraining ako at mukhang kelangan ko na ulit magtraining. Matapos ko magtraining sa pagsuntok at kung anu ano physical attacks ay kinuha ko ang baril ko bago magtungo sa shooting room. Imagining that my target is the one who want to shoot my father. I don't care kung maging killer ako basta poprotektahan ko ang mahal ko sa buhay. Matapos ang mga training ko ay lumabas muna ako para sana lumanghap ng hangin. Naglalakad lakad ako habang may suot head set pero kahit ganoon ay ramdam ko parin na may nakamasid sa'kin. Nagtuloy lang ako sa paglakad ngunit ako ay sinusundan ng kung sino mang tao 'yon. Tumigil ako sa paglalakad. "Anong kailangan nyo?" tanong ko bago inalis ang head set ko at humarap sa likod. Limang lalaki na malalaki ang katawan at puno ng tattoo ang bumungad sa'kin. "Sumama ka samin." "Saan?" Ngumisi sila na tila ba may masamang binabalak. "Sa impyerno!" Ngumisi naman ako sa kanila bago magsalita. "Kagagaling ko lang doon at pinatay ko si satanas." Nanlaki ang mata nila pero hindi sila natakot. "Kung ganoon ay ayos lang ba sa'yo kung babalik ka?" "Ayos lang gusto ko makilala kung sino nagpapasundo sa'kin ngayon." Sumakay kami sa itim na van pinaggigitnaan ako ng dalawang malaking lalaki tss akala mo naman tatakas ako. Nakarating kami sa isang bahay na malaki at agad na bumaba. Nilibot ko agad ang mata ko sa paligid para malaman kung saan ang mga pweding daanan. Pagkapasok namin sa bahay ay wala namang kakaiba. Pumasok kami sa isang silid malawak ito at may mga lalaki 'ring malalaki ang katawan sampu ito at may isang nakaupo sa gitna malamang ito ang leader. "Hi," bati ko. "Hello sayo maganda ka pa naman sayang!" kunwaring nanghihinayang na sabi ng kanilang leader kaya naman nagtawanan ang mga alagad niya. Ngumiti naman ako sa kan'ya bago siya tanungin. "Ilang taon kana?" "28," sagot nito. "Oww sayang naman masyado ka pang bata para mamatay hahahaha," tumatawang sabi ko sa kan'ya. Sumama ang tingin niya sa'kin pati na ang mga kasama niya. Naramdaman kong may susuntok sa likod ko kaya naman mabilis akong humarap at hinuli ang kamay nito bago pinilipit at sinipa sa ibabang parte. Mga traydor! Sabay-sabay na sumugod ang mga tauhan niya kaya naman nahirapan ako, panay ang iwas ko kaya sila sila lang din ang nagkakatamaan. Kinuha ko ang kutsilyo sa bulsa ko at mabilis na binutasan ang kanilang mga tagiliran pati na rin ang kanilang mga hita. Nakarinig ako ng pagkakasa ng baril kaya naman napalingon ako sa leader nila. Nakatutok sa'kin ang isang baril akmang ipuputok na niya ito nang ihagis ko sa kanya ang kutsilyong hawak ko at agad naman itong tumarak sa dibdib niya. Hindi ko namalayang may isa pa palang nakatayo sa likod ko nalaman ko lang ito ng may iturok siya sa leeg ko. "Mapatay mo man kami lahat hindi ka makakaalis dito hahaha makakatulog ka at aabutan ka ng kasamahan namin!" Dahil sa inis ko ay kinuha ko ang maliit na baril sa bulsa ko at ipinutok ito sa noo niya. Naramdaman ko na ang hilo kaya naman patakbo akong lumabas sa bahay na yon at naglakad sa kalsada. Unti-unti akong nanghihina nang maramdaman ko na nagba-vibrate ang relo na suot ko. Smartwatch ang binigay ni Mirko at may tumatawag doon. "Samantha anong ginagawa mo dyan?!" narinig kong sigaw mula sa relong bigay ni Mirko. "T-tulong..." nanghihinang sagot ko sa kan'ya. "Magtago ka kahit saan yong walang makakakita sa'yo ako na ang bahalang humanap sayo! " sigaw niya. Napangiti naman ako dapat pala lagi akong nasa panganib para hanapin niya ako haha. Kahit sa ganitong sitwasyon ang kalandian ko parin ang naiisip ko. Sa makapal na damuhan ay may malaking puno kaya naman kahit nanghihina ako ay pinilit kong makarating doon. Sumandal ako sa puno bago akong tuluyang mawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD