Nagising ako sa isang kotse at nang tignan ko ang nagmamaneho ay kinilig agad ako hihi si Mirko! Hindi ko mapigilan ang pagngisi ko.
"Tss." napasimangot siya nang makita ang ngisi ko.
"Hey wag kang sumimangot pogi," sabi ko sa kan'ya.
Lumingon siya sa'kin saglit bago ituon ulit ang pansin sa kalsada. Kumunot ang noo niya at akala mo naman ay may kaaway sa harap ng kalsada.
"Ayusin mo itsura mo," utos niya sa akin.
Napatingin naman ako sa salamin at nanlaki ang mata ko nang makita ang itsura ko. Sh*t gulong gulo ang mahaba kong buhok may talsik ng dugo ang pisngi ko at may punit ang damit ko at marami din itong dugo may mga d**o pang nakadikit! Maging ang short ko ay may talsik din ng dugo!
Tumingin ako kay Mirko at ngumisi
"I look hot right? Hahaha" biro ko sa kan'ya.
"Mukha kang nirape ng labinlimang tao," inis nna sabi niya.
Sinimangutan ko naman siya.
"Labing anim 'yon pero hindi naman nila ako narape!" sagot ko sa kan'ya.
Napapreno naman siya bigla at tumingin sakin. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
"Anong sinabi mo, labing anim? "
"Yup kasama ang leader nila they're all dead now," proud na sabi ko.
"Tss next time call me napakarami noon para sa isang babae na tulad mo," mahinahon nang sabi niya.
"Ayiiiiee concern ka sakin?" panunukso ko.
"Dream on Samantha," pambasag niya.
Nakangiti naman akong inilapit ang mukha ko sa kan'ya. Tinignan ko siya mula sa mga mata hanggang sa labis niya.
"I'm dreaming now hihi."
"What are you doing? Lumayo ka nga!" singhal niya sa akin.
"I'm dreaming of you kissing me hahaha and my dream is turning reality now," sabi ko sa kan'ya.
Inilapit ko pa mukha ko pero sinamaan niya ako ng tingin kaya naman napalayo ako nakakatakot. Ano ba naman 'yan ang damot para halik lang!
"F*ck Samantha hindi ka nga napatay kanina pero gusto mo namang mamatay sa aksidente! Tss stop teasing me," reklamo niya.
Inirapan ko lang siya damot! Para halik lang naman yon. Hindi naman nakakamatay ang halik ko. Sayang di manlang ako maka-score sa kan'ya.
Pagkarating namin sa mansyon ay pumasok agad ako at inabutan ko si lola Rita at lolo Ralph na nagtatawanan sa Sala. Ang saya nila ha, akala siguro nila tagumpay ang plano nila.
Nagulat sila nang makita ako siguro dahil hindi nila inaasahang makakauwi pa ako. Surprise mga gago!
"Oh my! Anong nangyari sa'yo apo?" kunwaring nag aalalang tanong ni lola.
"Oo nga anong nangyari? " tanong ni lolo Ralph.
"Napaaway lang po," nakangiting sagot ko sa kanila.
"Gusto mo bang ipakulong ang gumawa n'yan sa'yo? " tanong ni lola. Kunwari pa ang matanda ng ito, siya naman may pa kana no'n.
"Hindi na po besides patay na sila," nakangising sagot ko na nagpalaki ng mga mata nila. Hindi niyo siguro inaasahan na kaya kong makaligtas sa dami ng pinadala niyong tao. Tss, mahina naman mga tao niyo!
Kung inaakala niyo na basta basta niyo lang ako mapapatay nagkakamali kayo isa pang maling hakbang at ako na mismo papatay sa inyo bago niyo pa magalaw ang ama ko. Hinding hindi ako papayag na magalaw niyo ang ama ko. Dadaan muna kayo sa bangkay ko!