Killer 4

643 Words
Iniisip ko ngayon kung paano nalaman ni Mirko na delikado ang lugar kung nasaan ako kahapon. Siguradong may alam siya pero hindi ko naman siya magtanong, oo tinulungan niya ako pero hindi ko pa rin maalis ang magduda dahil kay lola siya nagtatrabaho. Killer s***h assassin din siya ni lola, papano ako magtitiwala sa kan'ya. Paano kung kinukuha niya lang pala ang loob ko pero papatayin niya rin pala ako? Pinilig ko ang ulo ko, paanong kinukuha ang loob e ang sungit niya nga sa akin. 'Haaay' napabuntong hininga na lang ako hindi ko naman mapapakulong si lola dahil sa panahon ngayon basta may pera ka makakalusot ka at isa pa dapat makulong din ako I killed sixteen people yesterday. Lumabas ako ng kwarto dahil baka magtaka na ang lola Rita ko sa'kin dahil tanghali na hindi pa rin ako nalabas. Baka mahalata niyang ayaw kong makita ang kulubot niyang mukha. At nasusuka ako sa kaplastikan niya. Bwesit na 'yon galing umarte pwede na siyang maging artisa. Sana lang makita ko si Mirko siya lang nagpapawala ng mga problema ko kahit minsan nakakatakot siya masyadong seryoso! Uso naman ang ngumiti at walang bayad pero bakit hirap na hirap siyang gawin. Kilitiin ko kaya? May kiliti kaya siya? Try ko? Kaso baka naman sapakin niya ako! Okay lang saktan niya ako hindi ako gaganti, hurt me bebe charr. "Okay ka na ba apo?" bungad sa'kin ni lola Rita pagkakita niya sa akin. "Okay na po," sagot ko naman. Lol mas okay kung hindi kita nakita. "Mabuti naman gusto mo bang iwan ko sa'yo si Ramon para naman may bantay ka?" Kunwari pa ang isang ito, malamang may binabalak naman. Ngumiti naman ako kay lola bago umiling. Alam ko na binabalak niya pababantayan niya ako para alam niya ang bawat kilos ko tss! Tuso talaga. Hindi niya ako maiisahan. Kunwari concern, gusto lang naman niya malaman ang bawat kilos ko. Para alam niya kung may gagawin akong masama sa kan'ya. "Hindi na po ayos lang naman po ako kaya ko naman po sarili ko," sabi ko sa kan'ya. Ngumiti siya sa'kin. Bunutin ko pustiso mo e, ngiti-ngiti ka d'yan! Pangit naman ng smile mo, buti hindi ako sa'yo nagmana. "Basta mag iingat ka," bilin pa ng pekeng matanda. Baka ikaw mag-ingat. Ako lang ba o parang binabantaan niya ako? Baka alam niya na rin na alam ko na ang mga kalokohan niya. "Ingat din po kayo," nakangiting sagot ko. Kumunot naman ang noo niya sa sagot ko. Nagduda pa nga. Kalmahan mo, haha baka nasobrahan sa kape at kaba do na. "Saan ko naman kailangang mag ingat?" tanong niya. Kinabahan yern? Coffee lover yern? "Lola syempre sa health niyo masyado kayong napapagod sa trabaho niyo haha" natatawang sagot ko sa kan'ya. Kalma ka lang tanda, masyado kang napaghahalataan e. Di naman lahat ng tao katulad mo, maitim ang budhi. "Haha yes apo mag iingat ako," tumatawang sagot niya. Pinanuod ko lang maglakad paalis si lola at nakita ko namang kasunod niya si Mirko hihi buo na araw ko nakita ko na ang puso ko. Isang sulyap lang sa'yo Mirko masaya na ako. Samahan mo na rin ng smile para full package na. Nagulat ako ng lumingon sa'kin si Mirko kaya naman agad akong kumaway sa kanya pero sinamaan niya ako ng tingin hmmmp! Sungit! Feeling pogi! Pero pogi naman talaga siya, haayy ano ba Samantha nababaliw ka na! Pagdating talaga kay Mirko nawawala ako sa sarili ko. Ewan ko ba marami na rin naman akong nakilala na gwapo pero sa kan'ya lang talaga malakas ang tama ko. Bwesit bakit kasi kay Lola pa siya nagtatrabaho, pwede namang sa iba na lang para pwede na kami. Teka kahit naman pala sa iba siya magtrabaho kung di naman niya ako gusto, wala rin! Waaahh nakakainis naman Mirko e, kailangan pa ba kitang gayumahin para magustuhan mo ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD