Title: Marry Me, Carlos Miguel Genre: Romcom Written by: Miss_Choi Umupo sila na magkakatabi. Ngunit nasa gitnang upuan sila Hanica at Carlos Miguel. Kaya hindi makagalaw ng maayos si Hanica. Habang nakakaramdam naman ng saya sa kalooban si Carlos Miguel. Dahil madilim doon ay pasimple na sinasagi ni Carlos Miguel ang kanyang palad sa braso ni Hanica. Pero hindi ito pinapansin ng dalaga at hindi rin ito nagpapahalata. Dumuko na lamang ng popcorn si Hanica kaso mali nakahunan niya dahil ang nakuhanan niya ang popcorn na kinakain ni Carlos Miguel. At nataon din na dumukot ang binata kaya nagkadikit ang kanilang kamay na parang may kuryente na gumapang, sabay pa silang nagkatinginan sa isa't isa. Bigla namang ngumiti si Carlos Miguel. Habang si Hanica naman ay umiwas ng tingin sa bi

