Title: Marry Me, Carlos Miguel Genre: Romcom Written by: Miss_Choi Kinabukasan ay maagang nagising si Hanica at nagluto ito ng almusal nila. Nadatnan pa nito si Carlos Miguel na mahimbing na natutulog sa sofa. Sumunod naman na nagising ay si Carlos Miguel at nagtaka ito sa kumot na ka nakakumot sa kanyang katawan. Ngunit na amoy nito ang niluluto kaya sumilip ito sa kusina na nakakaramdam ng pagkalam ng sikmura. Nakita nito si Hanica na nagluluto lalapitan niya sana ito. Ngunit hindi na lamang dahil sa mga nangyari kagabi kaya pinagmasdan na lamang niya ito. "Ang bango ng niluluto mo, ah," wika nito. "Ah, sinangag na kanin lang 'to," sagot nito ngunit hindi tumitingin kay Carlos Miguel. "About sa nangyari kagabi, pasinsya ka na," paumanhin nito. Nang biglang maalala ni Ha

