Title: Marry Me, Carlos Miguel Written by: Miss_Choi Genre: Romance Malapit na sila sa lugar ng kinalakihan ng binata kaya natatanaw nila ang kanilang pag-aari at ang malaking bahay. "Na-miss ko bigla dito," saad ng binata habang nakatanaw sa gawi ng kanilang bahay. "Ikaw naman kasi, apo. Bakit kailangan mo pang lumayo at magpunta sa siyudad? Alam mo namang lahat ng nakikita mo at ari-arian natin ay mapupunta lahat sa iyo," tanong ng kanyang lola. Nang biglang magsalita si Hanica. "Sa inyo po itong lugar na ito at si Carlos Miguel ang tagapagmana?" hindi makapaniwalang tanong ng dalaga. "Yes, hija," sagot ng ina ni Carlos Miguel ng may ngiti sa labi. "Bakit, Hanica?" kunot-noong tanong ng binata. "Wala lang, maganda pala dito," sagot naman ng dalaga habang pinagmamasdan ang palig

