Title: Marry Me, Carlos Miguel Written by: Miss_Choi Genre: Romance Kinahapunan ay inihatid ni Carlos Miguel si Hanica sa bahay nito bago bumababa ng sasakyan ang dalaga ay may sinabi ito. "Susunduin kita bukas ng maaga, kaya ihanda mo ang sarili mo," saad nito kay Hanica. "Okay, 'yon lang pala, eh," sagot ng dalaga at tumalikod na agad ito at naglakad. Pagkapasok ni Hanica ng kanyang bahay ay sinalubong agad ito ni Manang ng may ngiti sa labi. "Nakahanda na ang pagkain mo sa hapagkainan mabuti pa kumain ka na," saad nito sa dalaga at binuhat ang dalang gamit ng dalaga. "Sabayan niyo na akong kumain at bukas aalis ako ng maaga," saad ni Hanica. "H-Ha?" hindi makapaniwalang saad ni Manang. "Sabi ko sabayan niyo na po akong kumain dahil baka matagalan po ako makabalik dito mula sa

