Title: Marry Me, Carlos Miguel Author: Miss_Choi Genre: Romance "Mabuti pa umuwi na tayo dahil mahirap abutan ng dilim sa daan," saad ng binata at inilahad nito ang kanyang palad. Humawak naman ang dalaga sa palad ni Calos Miguel at sabay silang naglakad. Mayamaya pa ay nakarating na sila sa kanilang bahay at sinalubong ito ni lola Pacita. "Hay, hija. Mabuti na lang at nakauwi na kayo. Pinag-alala niyo kami," saad ng matanda na kita sa mukha ang pag-aalala. "Pasinsya na po," paumanhin ng dalaga. "Wala iyon ang importante ay narito na kayo. Mabuti pa magpahinga na kayo. Good night," saad nito at naglakad na ang matanda patungo sa kaniyang silid. Habang ang dalawa naman ay naglakad na rin patungo sa kanilang silid. "Okay ka lang ba?" tanong ng binata ng makapasok sila sa loob ng ka

