Title: Marry Me, Carlos Miguel Author: Miss_Choi Genre: Romance Habang isinusuot ng dalaga ang damit pangkasal ay naiinis ito at nakakaramdam ng konsensya. Nakakaramdam din ito ng luha na nais lumubas. Ngunit pinigilan niya ito at pilit na nagiging mahinahon. Hanggang sa naisuot na niya ang damit pangkasal. "Hija, tapos ka na ba? Lumabas ka na d'yan para makita namin," nae-excite na wika ni Lola Pacita. Walang nagawa ang dalaga kung hindi ang sumunod. Naglakad ito ng dahan-dahan palabas ng silid at pilit na ngumiti. Nang makita siya ng mag-ina ay napahanga ito sa kanyang angking kagandahan dahil sa bumagay ang damit pangkasal na kanyang suot. "Wow! Talagang bumagay sa iyo ang damit. At nakikita ko na, kapag nakita ka ni Carlos Miguel. Sigurado ako na mababaliw siya sa iyo," saad ni

