chapter 87 Ang panganganak.

1023 Words

Title: Marry Me, Carlos Miguel Written by: Miss_Choi Genre: Romance Habang naglalakad sila Jun at Hanica ay biglang nakaramdam ang dalaga ng pananakit ng tiyan. "Aray, " mahinang usal nito. "Ano'ng masakit?" wika agad ni Jun na may pag-aalala sa mukha. "Iyong tiyan ko parang naninigas na hindi ko mawari," sagot naman nito. "Hindi kaya manganganak ka na?" tanong ng binata na may pag-aalala. "Hindi ko pa naman due date. Tatlong araw pa bago ako manganak," sagot naman ni Hanica. Pero nagtaka ito nang makaramdam na may tumulo sa kanyang hita pero sigurado siya na hindi iyon ihi. "Bakit?" kunot-noong tanong ni Jun nang makita ang mukha ni Hanica na hindi mapakali at hindi maipinta. "May naramdaman kasi akong parang may tumulo na ano, pero hindi naman ihi iyon," sagot nito sa binata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD