Title: Marry Me, Carlos Miguel Written by: Miss_Choi Genre: Romance "Ma'am, humiga lang po kayo," wika ng nurse. Agad naman na sinunod 'yon ni Hanica dahil iba na rin ang kanyang pakiramdam dahil sa sakit ng tiyan na kanyang nararamdaman. "Nurse, 'yong t'yan ko, sobrang sakit na at hindi ko na alam kung ano ang masakit," saad nito kita sa mukha na hindi na mapakali. "Don't worry, Ma'am. Nandiyan na po si doktora. Pakipatong n'yo na lang po ang magkabilang paa n'yo rito sa dalawang bakal ," utos ng nurse na sinunod na lamang ni Hanica. Panay naman ang lakad ni Jun at hindi ito mapakali sa labas habang naghihintay, nang biglang dumating si Beth at dala ang termos, unan, at mga pangangailangan ng bata. "Kuya, nandito na ako," saad ni Beth. "Bantay po ng kakapasok lang na pasyente i

