Marry Me, Carlos Miguel Written by: Miss_Choi Genre: Romance Mayamaya pa ay bumalik na ang babae at may dala na itong dalawang tray sa magkabilaan nito kamay. Agad na lumapit si Hanica at kinuha nito ang isang tray upang tulungan ito. "Tulungan na kita," wika ni Hanica at kinuha ang isang tray mula sa isang kamay ng babae. "Salamat," saad naman ng babae. "Walang anuman," wika naman ni Hanica na may ngiti sa labi. Naglakad sila pabalik ng room kung nasaan naka check in at naroon ang mga bata. Nang makarating sila ay binuksan agad ni Hanica ang pintuan ng dahan-dahan at pumasok ito. "Pasok ka," aya nito sa babae na kasama. Pumasok naman agad ang babae at inilapag ang dalang pagkain sa lamesa. Nang mailapag na ng babae ang dalang pagkain sa lamesa ay nagpaalam na rin ito. Pero b

